^

PSN Showbiz

Toni, Mariel at Bianca, maraming natutunan sa pagiging may-asawa!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya ngayon ang magkakaibigang sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Bianca Gonzalez sa kanya-kanyang buhay may-asawa. Limang taon nang kasal si Mariel kay Robin Padilla at nakadalawang beses na ring nawala ang ipinagbuntis ng aktres.

Maraming mga bagay na ang natutunan ni Mariel dahil sa kanyang mga naranasan. “Fee­ling ko I’m still the same but better,” maikling pahayag ni Mariel.

Dalawang taon nang kasal si Bianca sa basketbolistang si JC Intal at dalawang buwan na rin ang anak nilang si Lucia ngayon. “Ang pinakabago is natutunan ko na okay lang mag-slow down. Kasi dati no’ng single, go lang nang go, work lang nang work. Noong kinasal, parang okay din pala na mas magpahinga ng kaunti, i-prioritize ang family,”  nakangiting pahayag ni Bianca.

Samantala, ilang buwan pa lamang ang nakalilipas nang magpakasal sina Toni at Direk Paul Soriano kaya medyo naninibago pa rin daw ang aktres ngayon. “Ako sa akin, kasi six months na kaming married so nandoon pa ako sa stage ng transitioning, nandoon pa ako sa stage na iyon but it is a good stage that I know I’ll be able to overcome. That’s why my plan this year is to be the best wife,” pagbabahagi naman ni Toni.

Janella excited sa gagawin nila ni Elmo

Tuloy na tuloy na ngayong taon ang teleseryeng Born For You na pagbibidahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Excited na raw si Janella para sa bago niyang leading man. “Actually we’ve started working with each other na sa Wansapanataym so finally naka-work ko na si Elmo. All I can say is he’s very nice, very friendly and he’s not hard to get close to,”  nakangiting bungad ni Janella.

Siguradong mami-miss daw ng dalaga ang mga dating katambal na sina Jerome Ponce at Marlo Mortel.

“Siyempre naman mami-miss ko sila because I’ve been with them for like two and a half years. Kay Jerome siguro ‘yung pang-aasar niya talaga because he loves pissing me off in a good way. And si Marlo naman mami-miss ko ‘yung lagi siyang natutulog sa set. I love taking pictures of Marlo when he’s asleep,”  natatawang kwento ni Janella.

Kahit nahiwalay na ang aktres sa pakikipagtambal sa dalawang Kapamilya actors ay hindi naman daw nangangahulugang magtatapos na rin ang kanilang ugnayan. “It doesn’t mean that I’m saying goodbye naman to them because this is work and I already have a personal relationship with both of them. So that doesn’t mean that that relationship will stop,”  paliwanag ni Janella.

vuukle comment

ACIRC

ALL I

ANG

BIANCA

BIANCA GONZALEZ

BORN FOR YOU

DIREK PAUL SORIANO

ELMO

ELMO MAGALONA

JANELLA

MARIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with