Hindi lang ang AlDub ang dapat pasalamatan AiAi dinala ang pelikula nila ni Bossing!
Sabi ng kaibigan kong si Veronica Samio na kolumnista rin dito sa PSN, bukod sa kasikatan ng AlDub na siyang nag-angat nang malaki sa kita ng My Bebe Love, si AiAi delas Alas ang nagdala ng kumikitang pelikula.
Talaga raw nakakatuwa ito sa movie at siyang nag-provide ng katatawanan dito.
Carla pinasalamatan ng fans sa tip ngayong Bagong Taon
Nagpapasalamat ang maraming may alagang hayop sa payong ipinagkaloob sa kanila ni Carla Abellana para mapangalagaan ang kanilang mga alaga sa pagsalubong natin ng Bagong Taon.
Naging madali sa kanila ang ginawa sa kanilang mga alaga.
Pia ayaw pagkaguluhan
Pwedeng tama rin naman ang pasya ni Pia Wurtzbach na huwag nang umabay sa kasalang Pauleen Luna at Vic Sotto para hindi na siya makagulo. Sa pagkakapanalo niya sa Miss Universe ay hindi malayong pagkaguluhan siya dahil first time siyang makikita after her victory.
Ang hindi niya siguro nari-realize ay isang pribilehiyo ang makita ang Miss Universe saan mang okasyon siya magpunta. l’m sure mami-miss siya ng mga ikakasal.
- Latest