^

PSN Showbiz

Pia nagpapaka-positive! Bebe Love at Beauty… unahan sa No. 1

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Napaka-positive ng mensahe ni Pia Wurtzbach sa pagsisimula ng kanyang reign bilang Miss Universe 2015.

Binanggit niyang mahaba rin ang nilakbay ng ambisyon niyang maging beauty queen, at sa pangatlong attempt ay nasungkit din niya ang Binibining Pilipinas-Universe at higit sa lahat siya pa ang nahirang na Miss Universe 2015.

Kaya nagpapasalamat siya sa lahat na sumuporta lalo na ng mga kababayan.

Meron din siyang mensahe kay Miss Colombia Ariadna Gutierrez.

Nakiusap na rin si Pia na tapusin na sana ang balitaktakan sa social media dahil hindi naman daw iyun ang tunay na adhikain ng Miss Universe.

PAK: Gaya ng inaasahan, mainit na naglaban sa takilya ang pelikulang Beauty and the Bestie at My Bebe Love #KiligPaMore.

Pero matindi ang pagsubaybay ng AlDub Nation sa mga sinehan sa buong bansa.

Sa hapon pa lang ay sold-out na ang lahat na screening pero nakipagpukpukan din sa takilya ang Beauty… nina Vice Ganda at Coco Martin, kaya kini-claim din nila na ang pelikula nila ang nangunguna.

Nagpapasalamat na sina AiAi delas Alas, Alden Richards, at Maine Mendoza sa kanilang social media account.

Unang pinasalamatan ni AiAi si Papa Jesus at Mama Mary sa magandang resultang ibinigay sa My Bebe Love.

Sabi ni Maine na nasa Japan pa; “Maraming salamat po sa lahat ng nakanuod na! your thoughts? #ALDUBMyBebeLoveSaPASKO” 

Tweet naman ni Alden; “Wala talagang makakapigil sa #ALDUBnation! Maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta! ALDUBMyBebeLoveSaPasko.”

BOOM: Pinag-usapan din sa Twitter ang ilang reklamo ng AlDub Nation na tila sinasabotahe ang My Bebe Love sa mga sinehan.

Nagreklamo ang ilang fans na pinapalitan daw ang tickets na binibili nila. Ang ticket daw ng My Bebe Love ang binibili pero ang ticket ng Beauty and the Bestie raw ang binibigay.

Nangyari raw ito sa SM Bacoor at meron ding ganung reklamo sa SM Cebu.

Kaya pinapaalahanan nila ang mga fans na tingnan ang binibiling ticket at baka mapalitan din ito.

Ang mensahe na lang ni direk Joey Reyes; “Let us be happy for everybody. Let us wish that all the 8 entries of MMFF make money in the box-office. Walang laglagan at pait-paitan.”

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BEAUTY AND THE BESTIE

BINIBINING PILIPINAS-UNIVERSE

COCO MARTIN

JOEY REYES

KAYA

MISS UNIVERSE

MY BEBE LOVE

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with