^

PSN Showbiz

Tambalang Andre at Yassi hindi puwedeng i-push sa TV

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

May TV contract si Andre Paras with GMA kaya malabo itong matuloy ang loveteam nila ni Yassi Pressman sa bakuran ng TV5.

Isa si Yassi sa pagtutuunan ng pansin ng TV5 at ng Viva na maging isang major star sa taong 2016, pero paano ang kanilang tambalan nila Andre?

“Puwede naman sila sa pelikula,” pahayag ni Boss Vic del Rosario na siyang chief strategist ng entertainment content ngayon ng TV5.

Si Sam Pinto ay nasa pangangalaga rin ng Viva Artists Agency at matagal nang Kapuso pero hanggang ngayon ay hindi pa rin gaanong nakaka-take off ang kanyang career.

Pagsasamahin sa iba’t ibang bagong programa ang mga in-house contract talents ng TV5 at ng Viva ganundin din ang ibang talents or stars na walang exclusive contracts with other TV networks.

Sa pagpasok ni Boss Vic sa bakuran ng TV5, makaarangkada na kaya ang Kapatid Network simula sa 2016?

Parade of Stars tiyak na dadagsain!

Kung ang tambalang Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza ang tinanghal na phenomenal stars sa taong 2015 kahit mahigit limang buwan pa lamang ang kanilang loveteam, magpatuloy pa rin kaya ang kanilang init sa taong 2016 o may mga bagong tambalan nang sisibol?

Mahihirapan sigu­rong maulit o di kaya’y mapantayan ang kakaibang tandem nina Alden at Maine na hindi lamang sa larangan ng telebisyon sumikat nang husto kundi maging sa social media.

Naniniwala ang marami na magpapatuloy ang winning streak ng dalawa sa taong 2016 lalupa’t maraming magagandang plano ang nakatakdang mangyari sa susunod na taon at kasama na rito ang isang major concert, na malamang ganapin pa rin sa 55,000-seater na Philippine Arena at isang movie na silang dalawa mismo ang mga pangunahing bituin habang patuloy pa rin ang pagdagsa ng kanilang mga product endorsements now numbering to over 20 na.

Samantala, tiyak na pagkakaguluhan ang karosa ng My Bebe Love (#KiligPaMore) dahil bukod sa mga bidang sina Vic Sotto at AiAi delas Alas, kasama ring sasakay sa karosa ang hottest loveteam sa kasalukuyan na sina Alden at Maine.

Parang nakikini-kinita na namin Salve A. ang magiging scenario sa Parada ng mga Artista ngayong Miyerkules (Dec. 23) ng hapon sa kahabaan ng Roxas Blvd.

Sana lang makipag-cooperate ang panahon dahil sa sunud-sunod na pag-ulan lately sa buong Metro Manila.

Lahat ng walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay may kani-kanyang karosa kung saan lulan ang major cast ng bawat pelikula at isa rito ang tatanghaling Best Float na ia-announce sa awards night on December 27.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANDRE PARAS

ANG

BEST FLOAT

BOSS VIC

KAPATID NETWORK

METRO MANILA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY BEBE LOVE

PARADE OF STARS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with