^

PSN Showbiz

Sigaw ng kamag-anak for publicity lang ‘yun pagiging matulungin ng aktres sa ibang tao, fake lang!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bakit kaya ayaw mamatay-matay ng kuwento tungkol sa pagiging fake ng ugali ng isang kilalang female personality?

Butas kasi ang mga palad ng babaeng personalidad sa pagtulong sa mga nangangailangan pero kinokontra naman ng mismong mga kamag-anakan niya ang ugaling pagiging matulungin ng kilalang aktres.

Peke lang daw ‘yun, fake lang ang kabaitan ng aktres, tanungin mo raw ang kanyang mga kadugo at siguradong pagtataas ng kilay ang makikitang reaksiyon ng mga ito.

Meron pang source na nagsabi, “Kung ‘yung mga kamag-anak nga niyang nakatulong nang malaki nu’n sa family nila, e, ni hindi niya man lang nakukumusta ngayon, ibang tao pa kaya ang pagmamabaitan niya nang sincere?

“Pang-publicity lang ang ginagawa niya, gusto lang niyang magkaroon ng magandang image, kaya siya ganyan!” madiing sabi ng isang kamag-anak ng kilalang aktres.

Ayon sa kuwento ay siya ang poste ng kanilang pamilya, siya ang bumubuhay sa kanyang mga magulang at kapatid, pero bakit patuloy ang pagkalat ng mga kuwento ng kanyang karamutan?

Bakit may isang kamag-anak siyang binigo sa matinding pangangailangan, samantalang alam niya naman kung gaano ito kagipit, idagdag pa na nu’ng sila ang walang-wala ay tinutulungan sila ng kamag-anak na pinagdamutan niya ngayon?

Saka hindi raw ganu’n kaluwag sa pagtulong sa kanyang pamilya ang aktres, bago raw siya mag-abot ng pag-ayuda ay kailangan pa nang matinding pang-uusisa ‘yun, kaya kapag nasusulat ang kagandahan ng puso ng aktres sa pagtulong sa ibang tao ay napapailing na lang ang kanyang mga kamag-anak.

“All for show lang ‘yun, hindi bukal sa loob niya. Imaging lang ‘yun, para lang sa imahe niya, pero sa totoo lang, fake na fake ang ugali niya!” pahabol na pagpapatotoo pa ng isang impormante.

Ubos!

TV5 handang handa na sa mga bagong pakakawalan sa 2016

Ang isa sa mga namamahala ngayon sa program­ming ng TV5 ay si Attorney Bebong Muñoz. Sa pagpasok ng Viva Entertainment sa 2016 ay si Attorney Bebong ang makakatrabaho ni Boss Vic del Rosario para sa mga bagong palabas ng istasyon.

Pamilyar ang pangalang Bebong Muñoz. Minsan isang panahon ay naugnay ang kanyang pangalan kay Jolina Magdangal.

Sa abot ng aming pagkakaalam ay naging sila dahil sa mga kuwento ni Daddy Jun na marespeto sa kanila ang binata.

Ehekutibo na siya ngayon ng TV5, pinagkakatiwalaan ni Mr. Manny V. Pangilinan, pero hindi pa rin mawala-wala sa kanyang pangalan ang nakaraan nila ni Jolina.

“Mga bata pa po kami nu’n,” tumatawang reaksiyon ni Attorney Bebong Muñoz.

Masaya siya sa naging kapalaran ni Jolina na may maayos nang pamilya ngayon at hindi pa rin nawawala sa gitna ng aksiyon ang career.

Magiging abala ang mga tagapamahala ng TV5 sa pagpasok ng 2016, ngayon pa lang ay todo na ang paghahanda ng network sa unang palabas na mapapanood sa susunod na taon, si Richard Gutierrez ang bibida sa Ang Panday ni Direk Carlo J. Caparas na ang mamamahala naman ay si Direk Mac Alejandre.

Agaran ding isusunod ang Born To Be A Star, isang talent search na si Ogie Alcasid ang magho-host, at ang seryeng pagsasamahan nina Derek Ramsay, Diether Ocampo at Claudine Barretto.

Pahayag ni Attorney Bebong nu’ng huli kaming magkausap, “Samantalahin na natin ang panahon ngayon dahil next year, magiging busy na tayo. Puro meeting na kami ngayon, marathon meeting, nakaka-excite ang 2016 for TV5.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PANDAY

ATILDE

ATTORNEY BEBONG

ATTORNEY BEBONG MU

BEBONG MU

LANG

MGA

NGAYON

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with