^

PSN Showbiz

Relasyon nabuko, hunk actor asikaso sa pagkain ang kapwa hunk actor ‘pag nagba-basketball!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang kuwentong ito ay galing sa isang grupo ng mga non-showbiz na may mga kaibigang artista. Ang kanilang paraan ng pagba-bonding ay basketball.

Basta may libre silang panahon ay nagkikita-kita sila sa isang ipinareserbang hardcourt, kuwentuhan muna sila sa una, hanggang sa bumubuo na sila ng dalawang team na maglalaban.

Isang hunk actor ang madalas nilang makalaro ng basketball. Bagets pa siya nu’n, pero kilalang-kilala na, nagkaroon pala sila ng “special friendship” nu’n ng isa pang hunk actor?

Kuwento ng aming impormante, “Nu’ng una, e, wala namang malice kaming naisip nu’ng makita namin si ____(pangalan ng hunk actor) sa game. Baka magkabarkada lang sila, wala namang masama du’n!

“Pero tuwing naglalaro kami, e, dumarating siya, may dala-dala siyang food para sa kalaro naming hunk actor. So, nagtatanungan na kami, bakit ganu’n, meron siyang time para magpunta du’n, e, ‘di ba, super-busy rin siya dahil mas sikat pa nga siya sa nakakalaro naming hunk actor?

“Tapos, nu’ng magtagal-tagal na, parang may naaamuyan na kaming iba, parang meron nga silang something, dahil kahit saan kami maglaro, sumusunod sa amin si ____(si Hunk Actor B) dahil kasama nga namin si ____(pangalan ni Hunk Actor A)!

“Noon-noon pa ito, ha? Hindi pa naglalabasan ‘yung kuwento na questionable ang gender ni Hunk Actor B, talagang may naamuyan na kami sa kanya. Hindi ako tsismoso, pero totoo ‘yun,” rebelasyon ng aming source.

At ang nakakaloka namang reaksiyon ng isa pang source sa umpukan, “Ang dami-daming patay na patay sa kaguwapuhan niya, marami namang artistang napapabalitang nakakarelasyon niya, pero bakit hanggang ngayon, e, wala pa rin siyang asawa?”

Uboooossss!!!!

Pagmamaldita raw ni Maine natabunan ng pag-iyak ni Julie Anne

Maraming pumupuri ngayon kay Maine Mendoza dahil sa paglapit-pakikipag-usap niya kay Julie Anne San Jose nang magkita sila sa backstage ng Sunday PinaSaya.

Nanghingi ng dispensa ang yaya ng bayan sa dalaga, sugatang-sugatan kasi si Julie Anne sa mga upak na inabot nito sa social media, ang mga nagpapakain sa kanya ng masasakit na salita ay nagpapakilalang miyembro ng AlDub Nation.

Inakala kasi ng grupo na may relasyon sina Julie Anne at Alden Richards, sinakyan nila ang maling impormasyong inilabas ng direktor na binawi rin naman pagkatapos, magmula nu’n ay nagbago na ang mundo ni Julie Anne.

Si Maine ang nanghingi ng dispensa dahil sa mga ipinatikim na salita ng mga fans nila ni Alden kay Julie Anne. Siya mismo ang nag-sorry sa dalaga, inako niya ang panghihingi ng paumanhin, maraming humanga sa naging aksiyon ni Yaya Dub.

Kahit kailan, sa anumang motibo at dahilan, ang pagpapakumbaba ay palaging may ibinubungang positibong resulta. Maraming nagkomento na mas tataas pa ang kasikatan ni Maine Mendoza dahil marunong siyang magpakumbaba.

Sa isang simpleng pakikipag-usap kay Julie Anne ay bawing-bawi ang mga nakaraang kuwento na nagmamaldita na ngayon si Maine, marami raw siyang binibigong kababayan natin kapag isinisigaw ang kanyang pangalan, wala raw siyang pakialam.

Sa pagiging humble ni Yaya Dub ay mas maraming nagmahal at humanga sa kanya. Biglang nabura ang imahe ng kanyang diumano’y pagmamaldita.

vuukle comment

ACIRC

ACTOR

ALDEN RICHARDS

ANG

ANNE

HUNK

HUNK ACTOR A

HUNK ACTOR B

JULIE ANNE

MAINE MENDOZA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with