^

PSN Showbiz

Pauleen nagpapapayat para magkasya ang wedding gown!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pagkatapos umatras ng pelikulang Hermano Puli ni direk Gil Portes sa Metro Manila Film Festival (MMFF), saka naman sila nagkaroon ng producer. Kaya itinuloy pa rin nila ang pelikula, pero hindi na nga pang-filmfest.

Nagsimula na silang mag-shoo­ting kamakalawa lang sa may Tayabas, Quezon at si Aljur Abrenica pa rin ang bida.

Si Louise delos Reyes ang nakuhang lead actress kaya balik-tambalan nila ito ni Aljur pagkatapos ng Kambal Sirena.

Ang dinig namin, may breast exposure ang bidang babae, at ewan ko lang kung papayag si Louise si maselang eksenang ito.

PAK: Sabi ni Jennylyn Mercado, hindi porke’t magkasama sila ni Dennis Trillo na nagbakasyon sa Amsterdam ay sila na.

Consistent pa rin sa pagdi-deny ang Kapuso actress dahil ang lakad daw nilang iyun ay grupo at hindi naman silang dalawa lang.

Diretso naming tinanong kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila. Diretso rin ang sagot niyang “Magkaibigan kami, hanggang dun lang ‘yun. Ganun pa rin naman.”

Ayaw na niyang pag-usapan pa si Dennis dahil ang focus daw niya ngayon ay ang MMFF movie nila ni Jericho Rosales na Walang Forever.

Ang isa pang nadiskubre namin, hindi na pala nagpa-follow sina Jennylyn at Dennis sa kanilang Instagram account.

Tinanong namin si Jennylyn tungkol dito pero nag-deny siya.

BOOM: Ayaw sana ni Bossing Vic Sotto na isabay sa promo ng My Bebe Love #KiligPaMore ang tungkol sa nalalapit na wedding nila ni Pauleen Luna. Pero hindi maiwasang matanong pa rin ito.

As of presstime ay hinihintay pa namin ang presscon ng naturang pelikula, kaya hindi pa kami sure kung ia-announce na ni Bossing Vic ang eksaktong date ng kanilang pagpapakasal.

Plantsado na kasi lahat at ang focus na lang ngayon ni Pauleen ay ang magpapayat para magkasya ang wedding gown niya.

Ang wish lang sana ni Pauleen ay maging private ang seremonya. Kaya ayaw muna nilang sabihin kung saan ang venue ng kasal.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANG

AYAW

BOSSING VIC

DENNIS TRILLO

DIRETSO

GIL PORTES

HERMANO PULI

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with