^

PSN Showbiz

Dingdong at Marian ipinakita na si Maria Letizia!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Todo ang kakyutan ng panganay na anak ng mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera. Kahapon ay halos magkasunuran na ipinost ng mag-asawa sa kanilang social media accounts ang pictures ng kanilang baby.

Matagal ding naghintay ang fans na ipakita ng mag-asawa ang official photos ng kanilang bagong angel at nasulit naman dahil talagang napakaganda, ang tangos ng ilong at totoong hati ang hitsura ni Maria Letizia sa mag-asawa.

Kaya naman aligaga ang lahat kahapon na i-share sa kani-kanilang social media accounts ang nasabing mga litrato ni Maria Letizia.

Caption ni Marian sa kauna-unahang litrato ni Maria Letizia na lumabas kahapon : 41 weeks akong nag hintay , 18 hrs na nag labor. Sa mga oras na iyon, hindi ko inaasahang makakaya ko ang lahat. Pero dahil andiyan ka sa tabi ko, sa iyo ako kumuha ng lakas. Salamat Mahal ko. Dingdong Dantes

At sa araw nga na iyon ng Nov 23, tuluyan na talaga tayong naging kumpleto; kasama ng Panginoon, ikaw, ako, at siya- si Maria Letizia. Ngayon, masasabi ko na tayo’y isa nang ganap na pamilya, at ako’y isa nang ganap na ina. Napakasarap ng biyayang ito. #MariaLetizia

Ayon naman kay Dingdong : “I may have a thousand photos of you already, but this one taken 8 days ago is definitely in my top 10. ?#?MariaLetizia

Bago ang nasabing official photos ni Baby Leti­zia, may ilang naglabasang picture ng first baby nina DongYan na peke.

Sa paglabas ng picture ni Maria Letizia tiyak na nakapila na ang mga produktong gusto siyang ku­ning endorser kasama siyempre ang mag-asawa.

Comment ng fans, ipinanganak na ang bagong magiging ‘reyna.’

Imagine trending agad-agad sa Twitter kahapon at mahigit 100-K likes sa IG ni Marian paglabas na paglabas ng pictures.

Congrats Dong and Yan!

Billy ginawang bida ni Iya sa kasal ni Nikki

Kinumpirma pa ng isa pang source ang kapalpakang ginawa ni Iya Villania sa kasal ni Nikki Gil at BJ Albert last November na naging dahilan ng sama ng loob ng bagong kasal na aktres.

Kasi naman daw itong si Iya, feeling niya yata nakakatawa siya sa lahat ng oras. Hindi man lang naging maingat.

Imagine sa nasabing kasalan ni Nikki base sa kuwento ng source, imbes na pangalan daw ni BJ ang banggitin niya, pangalan ni Billy Crawford ang lumabas sa bibig niya na ikina-shock diumano ng mga bisita sa kasalan. Literal na naloka raw at nagulat ang mga sosyal na bisita sa pagbanggit ni Iya sa pangalan ni Billy. Pero imbes na dedmahin daw ang pagkakamali, idiniin pa nito ang pangalan ni  Billy at nag-dialogue pa ng ‘Billy is a jerk’ na lalong ikinabuwisit daw ni Nikki na sama ng loob ay naiyak na lang sa kagagahan ng kanyang bestfriend na umabot daw ng pagbato ni Nikki kay Iya. Halata raw kasi ang pagka-offend ng groom at maging ng pamilya nito. Kaya sirang-sira daw ang mood ng mga nasa kasalan sa reception ayon pa sa kuwento ng source.

Feeling naman ng mga ilang bisita ay hindi nito sinasadya, pero parang wala naman daw siya sa sarili para mabanggit ang pangalan ni Billy.

Minsan kasi wala na sa lugar si Iya. Kahit minsan sa 24 Oras parang wala sa timing ang hirit niya.                                               

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

DINGDONG DANTES

IYA

LEFT

MARIA LETIZIA

NBSP

NIKKI

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with