^

PSN Showbiz

Paolo Valenciano naaagawan na ng trabaho si Rowell Santiago

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung may dapat mang pagpasahan si Pops Fernandez ng kanyang Concert Queen title ay wala iba ‘yun kundi ang Pop Princess na si Sarah Geronimo na parating dinudumog ang mga concert hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Halos sold-out na umano ang tickets sa two-night From the Top concert ni Sarah sa Big Dome on December 4 & 5. Kakaibang Sarah na naman ang matutunghayan ng mga concertgoers.

Ang maganda kay Sarah, she makes it a point na parating may aabangan ang audience sa kanya.

Sarah is not only a good singer-performer kundi isa rin siyang mahusay na dancer na kanyang na-enhance nang siya’y mag-aral sa Amerika.

Tatlong mga kilalang fashion designers ang gagawa ng mga isusuot ni Sarah - Rajo Laurel, Rhett Eala, at Dennis Celestial.

Musical director ay si Louie Ocampo habang si Paolo Valenciano naman ang over-all stage and concert director.

Speaking of Paolo, mukhang mas nagpu-focus ito ngayon sa kanyang pagiging isang concert director more than his singing career.

Dahil sa pagiging in-demand na concert director ngayon ni Paolo, tila si Rowell Santiago naman ang nananahimik.

Janine walang paki kahit ‘mambabae’ si Elmo

Walang problema kay Janine Gutierrez ang paglipat ng kanyang boyfriend na si Elmo Magalona sa Kapamilya Network habang siya ay nananatiling Kapuso.

Nirerespeto umano ni Janine ang naging desisyon ni Elmo at ng kanyang kanyang mom-manager na si Pia Magalona.

Aware rin si Janine na ipapareha sa iba si Elmo pero hindi umano ito issue sa kanya dahil nakatakda rin siyang ipareha sa ibang leading men.

Bago nag-shine si Paolo bilang concert director, ang nakababatang kapatid ni Randy Santiago ang pinaka-in demand na director ng iba’t ibang major concerts ng mga major artists sa Pilipinas.

 

vuukle comment

ANG

BIG DOME

DENNIS CELESTIAL

ELMO

ELMO MAGALONA

FROM THE TOP

JANINE

JANINE GUTIERREZ

KAKAIBANG SARAH

KAPAMILYA NETWORK

LOUIE OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with