^

PSN Showbiz

Interbyu ng Pinoy na taga-BBC News kina Alden at Maine, natuloy na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Natuloy noong Huwebes ang interview ni Rico Hizon kina Alden Richards, Maine Mendoza, at da­barkads ng Eat Bulaga para sa BBC News. Gina­wa ang interview pagkatapos ng EB sa Broadway Studio.

Kaya pala pinapunta sa Broadway Studio ng EB si Maine after the show dahil isusunod ang interview sa kanila ni Alden at ng Dabarkads. Wala pang sinasabi kung kailan ang airing ng interview dahil katatapos lang ng APEC Summit kung saan nag-cover si Mr. Hizon for BBC News.

Una nang na-feature ang AlDub sa BBC sa Tamang Panahon episode ng EB.

Bagong hugot lines nina Popoy at Basha mas malalim

Gusto namin at totoo ang tagline ng Star Cine­ma movie na A Second Chance na “The story that defined a generation now returned for #ASe­cond­Chance.” Mula nang ipalabas ang One More Chance, inabangan na ang sequel ng movie at dumating na nga dahil sa November 25, mapapanood na ang pagpapatuloy sa love story nina Popoy (John Lloyd Cruz) at Basha (Bea Alonzo).

Madadagdagan ang hugot lines ng One More Chance rito sa A Second Chance at kinasasabikan at hinihintay na ng buong sambayanan. Unang labas pa lang ng teaser, pumatok na agad. Inabot ng 3-M ang views ng teaser at mil­yon din ang views ng second teaser. Kaya tiyak na milyun-mil­yon din ang manonood sa movie ni director Cathy Garcia-Molina.

Anyway, ginawang verb ang pangalan ng karak­ter ni John Lloyd sa A Second Chance at ang ibig sabihin ng “Na-Popoy” ka ay “’Yung mahal na mahal mo pa rin siya, kahit ang sa­kit- sakit na.” Pati ang pangalan ng karakter ni Bea ay verb na rin at ang ibig sabihin ng “Na-Basha” ka ay “Yung nakangiti ka sa harap niya at sa bagong mahal niya, pero deep inside wasak na wasak ka.”

Mark puro sa taken naipapareha

Kahit na-bash na siya, hindi pa rin binago ni Mark Neumann ang inaming nagagandahan siya kay Liza Soberano. Kahit in-explain niyang iba ang ibig sabihin ng “nagagandahan” sa “crush”, na-bash pa rin siya ng LizQuen fans nina Liza at Enrique Gil. Sabi raw ng LizQuen fans, kay Enrique lang si Liza.

Sana nga mahanapan na ng TV5 si Mark ng ka-love team na sa kanya lang. ‘Yung wala pang BF para mag-klik sa fans. Ang ka-love team kasi niyang si Shaira Mae ay may BF at ang kapareha niyang si Eula Caballero sa Wattpad Presents: Wrong Number ay taken na rin. Sa Para­normal Activity, si Ella Cruz ang ipinapareha sa kanya na nililigawan na ni Bret Jackson.

Susubukan ng Viva na ipareha si Mark kay Mo­nica Cuenco sa My Only Love na sa Viva Sari-Sari mapapanood at sana mag-klik ang team-up nila.

Nabanggit naman ni Mark na nagagandahan siya kay Shy Carlos at ka­muk­ha raw ni Anne Curtis. Bakit kaya hindi sila ga­wing loveteam?

Samantala, sa November 30-December 4, 9 p.m., ang airing ng Wrong Number nina Mark at Eula. Ipi­na­pakilala pa rin si Mark na Kilig Prince ng TV5 at na­niniwala ang network na kikiligin ang viewers sa kanila.

vuukle comment

A SECOND CHANCE

ACIRC

ALIGN

ANG

BROADWAY STUDIO

LEFT

ONE MORE CHANCE

QUOT

SHY

STRONG

WRONG NUMBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with