^

PSN Showbiz

Pinuri ni Carlo J. Caparas ang akting Andi nagkapasa-pasa at nabugbog ang katawan sa ginawang pelikula

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Baka ngayon lang makakabawi si Andi Eigenmann sa lahat ng mga kanegahan na lumabas tungkol sa kanya in the past. Abot hanggang langit ang papuri kay Andi ng direktor ng Angela Markado. Isa itong nobela sa komiks na ni Carlo J. Caparas at ni-remake makaraan ang ilang dekada mula nang unang isapelikula ng tambalan nila nina direk Lino Brocka at aktres na si Hilda Koronel.

Isang linggo kinunan ang rape scene ni Andi kasama ang rapist niyang sina Epi QuIzon, Polo Ravales, Paolo Contis, CJ Caparas, at Felix Rocco. Nagkapasa-pasa pa si Andi dahil sa sobrang hirap na pinagdaanan. Bukod sa kung saan-saan siya inihagis ay nasipa pa siya sa katawan at mukha ng isa sa kanila.

“Hindi lahat ng Eigenmann ay magaling, pero si Andi ay masasabi kong isa sa pinakamagaling,” ani Caparas na sinabi ring mas magaling para sa kanya ang bagong Angela Markado kaysa sa naunang gumanap nito na si Hilda Koronel.

Mapapanood ang Angela Markado na iri-release ng Viva Films sa Disyembre 2.

Atty. Persida Acosta dapat pasalamatan ng mga biktima ng tanim-bala

Dapat magpasalamat ang maraming nabibiktima ng tanim-bala scam sa airport dahil nagkaro’n sila ng kakampi sa katauhan ni Atty. Persida Acosta. Baka nagsisiksikan na silang lahat na nakitaan ng bala sa kanilang mga gamit sa kulungan kung wala ang mabunying hepe ng PAO para ipagtanggol sa mga bumibiktima sa kanila.

May something na talaga sa kanila ni Andre? Yassi dad na ang tawag kay Benjie

Wala nga sigurong posibilidad na lumampas sa friendship ang relasyon nina Andre Paras at Barbie Forteza kung kaya ang fans ng dalawa ay umaasang magkakaro’n ng kulay ang buhay pag-ibig ng aktor sa ipinapareha sa kanya ng Viva na si Yassi Pressman. Bukod nga naman na nakitaan sila ng chemistry nang una silang magtambal sa Diary ng Panget, physically ay mas bagay sila. Nakita kaya ito ng GMA kaya kay Ruru Madrid itinutulak si Barbie ngayon?

Inamin din ng nakakabatang Paras sa presscon nila ng Wang Fam na mas close siya kay Yassi at boto ang ama niya rito na natatawag nitong dad kapag nagkikita sila sa tahanan ng mga Paras.

Julia at Janella may selosang magaganap

Magsasama sina Julia Barretto at Janella Salvador para bigyang buhay ang nakakaantig na kwento ng magkapatid na susubukin ng pagkakaiba ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Fraternal twins sina Abigail (Julia) at Amabelle (Janella). Lumaki silang malapit sa isa’t isa hanggang sa pagpasok ng high school ay unti-unti nang lumabas ang pagkakaiba nila.

Mapabahay man o paaralan, ikinukumpara ang dalawa sa isa’t isa na siyang naging ugat ng selos sa pagitan ng magkapatid.

Kasama rin sa upcoming episode sina Jake Roxas, Aleck Bovic, Jillian Aguila, Allyson Mcbride, Mccoy De Leon, at Karen Reyes. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Frasco Mortiz at panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

vuukle comment

ALECK BOVIC

ALIGN

ANDI

ANG

ANGELA MARKADO

CAPARAS

HILDA KORONEL

LEFT

PERSIDA ACOSTA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with