^

PSN Showbiz

Sexy comedienne na may pagka-playgirl, nakahanap ng katapat sa babaerong ex

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gusto na palang lumagay sa tahimik ng sexy comedienne na ito, pero ang problema, ang lalaking akala niya na pakakasalan siya ay may pagka-playboy din pala at hindi pa handang magpakasal.

Sabi nga ng mga kaibigan ni sexy comedienne, nakatagpo siya ng katapat dahil may pagka-playgirl din naman si babae.

Hindi lihim sa mga kaibigan ni sexy comedienne ang hilig niya sa mga mayayamang lalaki.

Minsan nga, kahit may karelasyon na, nag-i-entertain pa rin ng mayayamang suitors si sexy comedienne.

Pero nagulat nga ang mga kaibigan ni sexy comedienne nang ma-in love siya sa anak ng isang politician na may matinding connection din sa showbiz.

Sa pagka-in love ni sexy comedienne sa anak ng politician, nagbago talaga siya.

Hindi na nag-entertain ng ibang manliligaw si sexy comedienne.

Feeling din ni sexy comedienne ay faithful na sa kanya ang boyfriend at natigil na ang pagiging babaero nito, kaya nagparamdam na siya sa boyfriend na gusto na niyang magpakasal sila.

Na-frustrate si sexy comedienne nang magdesisyon ang boyfriend na hiwalayan siya.

It turned out na hindi pa pala ready si lalaki na lumagay sa tahimik, kaya walang nagawa si sexy come­dienne kundi ang maiyak na lang.

Tama ba ang tsika sa akin ng isang ka-close ni sexy comedienne na ang karelasyon naman niya ngayon ay isang mayamang may-ari ng casino?

Dating beauty queen, nananahimik na sa piling ng mayamang businessman

Bilib naman ang marami kay dating beauty queen. Noong kapapanalo pa lang niya sa isang beauty contest ay pinasok din niya ang showbiz. Ilang pelikula rin ang kan­yang ginawa at naging leading lady pa siya noon ng isang top actor na namayapa na. After a few mo­vies, nawala na sa showbiz si dating beauty queen. Wala na ring masyadong balita sa kanya.

After ilang years, nakikita na si dating beauty queen sa ilang basketball games na paboritong puntahan ng isang businessman. It turned na karelasyon pala ni dating beauty queen ang businessman na ‘yon at kaya pala nanahimik si babae ay ang yaman na niya dahil sa businessman na karelasyon.

Kahit may naunang pamilya na ang businessman na ‘yon at marami na rin naman siyang mga anak, sobra-sobra naman ang pagmamahal nito kay dating beauty queen. Lahat daw ng magustuhan ni dating beauty queen ay ibinibigay ni businessman. Sobrang mabait din daw si dating beauty queen and in fairness to her, nag-focus na talaga siya sa businessman na karelasyon.

Ka Tunying, nahuli ang panlasa ni Lolit Solis

Kahapon ay nag-imbita ang TV news anchor at radio commentator na si Anthony Taberna sa kanyang bakeshop cum coffee shop na Ka Tunying’s sa Visayas Avenue, Quezon City.

Ipinatikim ni Ka Tunying sa entertainment press ang masasarap na pagkain at mga inumin ng kanyang bakeshop cum coffee shop at tagumpay naman siya dahil nagustuhan ‘yon ng kanyang mga inimbitahan lalo na si Manay Lolit Solis na very discriminating ang taste.

Na-discover nga pala namin na magaling ku­manta ang bunso ni Ka Tunying, si Zoey, at nagpa-sample pa ito.

Sabi ni Rossel Taberna na misis ni Ka Tun­ying, magaling din daw kumanta ang kanyang mister, pero kahit na anong pilit, hindi nagpa-sample si Ka Tunying.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTHONY TABERNA

BEAUTY

BUSINESSMAN

COMEDIENNE

DATING

KA TUNYING

QUEEN

SEXY

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with