^

PSN Showbiz

Sayang na sayang ang buhay dating sikat na aktres, ka-jamming na ang anak sa pag-aadik!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pamilyar na ang itsura ngayon ng isang dating aktres sa isang siyudad na pinaniniwalaang balwarte ng mga bisyo. Madalas magpunta du’n ang sayang, dahil magaling pa namang aktres nu’ng kanyang kapanahunan, marami siyang kaibigan du’n na nakakasama niya sa isang bisyong literal na sumira sa kanyang buhay at career.

Kung kakandidato nga raw na barangay chairman sa nasabing lugar ang aktres ay siguradong mananalo siya. Landslide ang kanyang tagumpay dahil mula sa bukana hanggang sa pinakadulong bahagi ng lugar ay kilalang-kilala siya.

Dahil sa kawalan ng datung ng aktres ay nagpapalibre na lang siya sa kanyang mga katropa. Pamasahe lang ang puhunan niya sa pagpunta du’n na hindi naman kalayuan sa tirahan niya.

“Hindi siya umi-score, wala siyang pera, pero dahil mga katropa niya naman ang mga tulak sa lugar na ‘yun, nakakalibre siya ng Sharon Stone,” kuwento ng aming source.

Tuluyan na ngang nabihag ng bisyo ang magaling pa naman sanang aktres na ito. Sayang ang kanyang pangalan na produkto ng isang kilalang-kilalang pamilya sa lokal na aliwan.

Pero dahil sa pagbibisyo ay nawalan siya ng mga proyekto, kinasuhan pa siya ng isang aktres, mula sa isa sa pinakamagagandang mukha sa showbiz ay mukha na kuno siyang losyang ngayon.

“Nakakalokah ang babaeng ‘yun. Sayang na sayang siya. Nagpatalo siya sa bisyo, e, ang galing-galing pa naman niyang umarte! Ayun, pati tuloy ang anak niya, ka-jamming na niya ngayon,” kuwento uli ng aming impormante.

Sabi naman ng isa pang source, “Sana, si Sharon Cuneta na lang ang peg niya, hindi si Sharon Stone, may kinabukasan pa sana siya!”

Ubos!

Pati fan umalma Kris nasira ang kredebilidad at professionalism nang umayaw sa pelikula nila ni Herbert

Siguradong aangal-kokontra ang kampo ni Kris Aquino sa nag-iisang pananaw at opinyon ng ating mga kababayan na kaya siya umurong sa pelikulang gagawin niya sana para sa MMFF (Metro Manila Film Festival) ay dahil siguradong mabobokya siya nina Bossing Vic Sotto, AiAi delas Alas at ng nangangabog na tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub.   

Hanggang sa magalit na lang ang magagawa ng kampo ng aktres-TV host dahil hindi binili ng mga kababayan natin ang mababaw niyang katwiran na hindi na libre ang paborito niyang cinematographer kaya ayaw na niyang ituloy ang pelikula.

Oo nga naman. One-man team lang ba ang pagbuo ng isang pelikula? Nawala lang ang paborito niyang cinematographer na nag-aalaga sa kanyang anggulo, basta na lang niya tinuwaran ang proyekto, paano na ang iba pang mga tauhan ng produksiyon na umaasa sa ipinangako niyang trabaho?

Maasim na komento ng kaibigan naming propesor na maka-Kris, “Sana man lang, naging consistent siya. Saludo pa naman ako sa professionalism niya, sa maganda niyang working attitude, pero bakit siya nagkaganyan?

“’Yun bang favorite cinematographer niya ang nakasama niya sa Etiquette For Mistresses? She doesn’t look good in the movie, hindi naalagaan ang anggulo niya kung meron man!

“They even resorted to a silhouette scene dahil hindi maganda ang rehistro niya. Magalaw ang face niya, haggard na haggard ang itsura niya, buhok lang niya ang palaging maganda sa screen!” mismong tagahanga na ni Kris ang nagsabi.

Nabutasan ang professionalism at credibility ni Kris Aquino dahil sa ginawa niyang ito. Marami siyang pinalungkot, maraming nabigo sa kanya, naging masyadong makasarili ang mga katwirang ibinigay niya sa hindi pagtutuloy sa proyekto.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

HINDI

KRIS AQUINO

LANG

MGA

NIYA

NIYANG

SHARON STONE

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with