^

PSN Showbiz

AlDub Nation todo iyak habang kumakanta si Alden

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakiiyak ang AlDub Nation nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub habang kinakanta ni Alden ang God Gave Me You at dini-dedicate kay Meng (nickname ni Maine).

After ng iyak, ang kilig ng fans dahil mukhang matutupad ang wish at dina­rasal nilang maging for real ang love team ng dalawa.

Anyway, as we go to press, na-break ng AlDub Nation ang record nila sa number of tweets noong September 19 na 12.1-M dahil kahapon, 1:03p.m., may 15-M tweets na and still counting.

Staff ng isang istasyon, nawindang nang malamang sa karibal na network pala nakikipag-transact

Hindi aware ang production staff ng isang show ng isang network na teaser sa bagong soap ng kalabang network ang nagiging viral na video ng isang babaing namimigay ng bulaklak, pero hindi ipinapakita ang mukha.

Obviously, napanood ang video ng staff ng isang show kaya nag-effort silang kontakin ang mga nasa likod ng viral video para interbyuhin ang babaing walang mukha na namimigay ng bulaklak sa mga tao.

Laking gulat ng production staff ng malaman kung para saan ang viral video at kung aling network ang nasa likod noon. Nang malamang ang karibal na network ang nasa likod nang kumakalat na video, itinigil ng staff ang pagkumbinse na ma-interview ang babaing walang mukha.

Kung nagkataon at hindi teaser ng bagong soap ang viral video, naka-scoop sana ang show at malay natin at mapasikat nila ang naturang babae.

Glaiza itsinitsismis na may ibang nililigawan si Benjamin

Maagang na-sold out ang tiket sa Dreams Never End concert ni Glaiza de Castro na gagawin sa Music Museum sa October 3. Kabilang sa manonood ng concert ang RaStro rebels fans nila ni Rhian Ramos na nabuo nang gawin nila ang teleseryeng The Rich Man’s Daughter.

Isa sa manonood ng concert ang nali-link sa kanyang si Benjamin Alves na siya palang nagbigay ng title na Synthesis sa hit album ni Glaiza. Gaya ng actor, super deny din si Glaiza sa tsismis sa kanila kahit may mga nagpapatunay na nanliligaw sa kanya ang aktor o baka sila na at ayaw lang aminin. Kaya lang, ano ‘yung narinig naming may isa pang Kapuso actress na nililigawan daw si Benjamin at ang aktres mismo ang nagkuwento sa mga nakausap na repor­ters?

Naalaala pala ni Glaiza na may promise sa kanya si Alden Richards na kung kailangan niya ng artista sa music video, puwede siya. “Madam” pa nga ang tawag sa kanya ni Alden at ngayon, gusto siyang gawan ng mv ni Glaiza na ma­layo sa napapanood sa kanya sa kalyeserye ng Eat...Bulaga.

“Binigyan ko siya ng Synthesis CD ko at nag-offer siya kung gagawa ako ng mv. Game ka pa ba Alden? Walang ibang artista ikaw lang, may nasulat na akong concept para sa napili kong Tagalog song. Acting piece ito for him, gusto kong baliin ang sweet image niya,” panawagan ni Glaiza.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BENJAMIN ALVES

DREAMS NEVER END

GLAIZA

GOD GAVE ME YOU

MAINE MENDOZA

MUSIC MUSEUM

NBSP

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with