^

PSN Showbiz

Jericho at Kristine magpapakilig uli sa Jeepney TV

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling magpapakilig ang love team nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa simula Setyembre 21 (Lunes) sa pagbabalik telebisyon ng kanilang hit at internationally acclaimed teleserye na Dahil May Isang Ikaw sa Jeepney TV.

Ang Dahil May Isang Ikaw ang nagsilbing balik-tambalan ng Echo-Tin limang taon matapos umere ang teleserye drama na Sana’y Wala Nang Wakas.

Umiikot ang kwento ng Dahil May Isang Ikaw sa dalawang pamilya na pagtatagpuin ng tadhana na magdudulot ng isang komplikadong pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magkakapatid na babae at lalaki.

Kabilang din sa top-rating ABS-CBN teleserye sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, John Estrada, Chin Chin Gutierrez, Sid Lucero, at Karylle.

Umani rin ang teleserye nina Jericho at Kristine ng dalawang nominasyon sa 2010 International Emmy Awards at Emmy Awards.

Ipapalabas ang Dahil May Isang Ikaw mula Lunes hanggang Biyernes, 1p.m. sa Jeepney TV.

Maliban sa Echo-Tin teleserye, magbabalik telebisyon din ang Pinoy classic na Home Along Da Riles, Goin’ Bananas, at JTV By Request: Meteor Garden ngayong buwan.

Samantala, icon of the month naman si Piolo Pascual ng Jeepney TV kaya bida ang actor tuwing Linggo. Ipapalabas rin ang isang espesyal na documentary tungkol kay Piolo sa Setyembre 27, 9 p.m.

vuukle comment

ANG

ANG DAHIL MAY ISANG IKAW

BY REQUEST

CHIN CHIN GUTIERREZ

DAHIL MAY ISANG IKAW

ECHO-TIN

EMMY AWARDS

GABBY CONCEPCION

HOME ALONG DA RILES

INTERNATIONAL EMMY AWARDS

IPAPALABAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with