^

PSN Showbiz

Inaasar ka, Julia?! Bela ibinalandra ang regalo ni Coco

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pinost ni Bela Padilla sa kanyang Instagram (IG) ang gift daw sa kanya ng leading man niya sa Ang Probinsiyano na si Coco Martin. Sa picture, may turn table at LP ng Beatles na tumutugtog. Sabi ni Bela “For a huge Beatles fan, this is a pretty awesome gift! Thank you.”

Hindi lang in-specify ni Bela kung alin sa turn table at LP ang regalo ni Coco o baka pareho.

Anyway, dalawang big projects ni Bela ang magkasunod na mapapanood. Una ang teleserye nila ni Coco sa ABS-CBN na this September na yata ang airing.

Sa October 7 naman, showing na ng Felix Manalo, ang star-studded at biggest movie mula sa Viva Films. Sa direction ni Joel Lamangan, katambal ni Bela si Dennis Trillo na gumaganap sa role ni Felix Manalo.

Kim dumayo sa Cebu para lang kumanta

Si Kim Chiu lang pala ang nag-shooting sa Cebu ng Etiquette for Mistresses dahil taga-Cebu ang karakter niyang si Ina na lounge singer. Isang araw lang siya sa Cebu at kinunan lang ang eksenang kumakanta siya ng Visayan song.

Mistress ang role ni Kim sa movie na mapapanood na sa September 30. Inamin nitong natakot siya noong una na gawin ang pelikula dahil sa role na out of her comfort zone, pero mas nanaig ang excitement  at naisip na panahon na for her to do challenging role. Big feat sa kanya na nakalampas daw siya kay Direk Chito Roño.

Aiza at asawang si Liza lumipat na sa DIY nilang bahay

Laging kinokorek ni Aiza Seguerra ang press ‘pag sinasabing si Ryzza Mae ang susunod na Aiza Seguerra. “I don’t want her to be the next Aiza Seguerra. I want her to be Ryzza Mae and to be able to find her own way, her own journey.”

Napag-usapan din ang loyalty at para kay Aiza ang loyalty ay pagtanaw ng utang na loob kay Mr. Tony Tuviera at sa TAPE Inc.

“Bata pa lang ako sa kanila na ako nag-start at never nila akong pinaba­yaan at tinanggap nila ako kung ano ako. Hinayaan din nila akong lumipad and I never heard anything from them, but they’re happy for me at ‘yun ang pamilya at sila ang family ko. Sila ang reason kung bakit hindi ako nagpa-exclusive sa kahit anong network because for me, I belong to TAPE.”

Nakuwento ni Aiza na lumipat sila ng misis niyang si Liza at anak nila sa townhouse na DIY o Do It Yourself at sila lang ang nag-ayos at nagkarpentero, parang wedding lang nila na DIY din.

Direk Jun Lana at LJ wagi sa filmfest sa Russia!

Congratulations kina Director Jun Lana at LJ Reyes na nanalong best director at best actress respectively sa 13th Pacific Meredian International Film Festival na ginanap sa Vladivostok, Russia para sa pelikulang Anino sa Likod ng Buwan.

Napanalunan din ng pelikula ang FIPRESSCI at NETPAC awards, four awards ang naiuwi ng grupo ni Direk Jun, kaya congrats din kay Ferdy Lapuz na kundi kami nagkakamali ay producer ng movie.

Sayang at hindi nakasama si LJ na du­malo sa awards night, hindi niya perso­nal na natanggap ang kanyang first international acting awards.

vuukle comment

ACIRC

AIZA

AIZA SEGUERRA

ANG

ANG PROBINSIYANO

BELA PADILLA

CEBU

COCO MARTIN

FELIX MANALO

LANG

RYZZA MAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with