^

PSN Showbiz

Gerald hindi pa tanggap na mawawalan ng serye

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Magtatapos na ang teleseryeng Nathaniel sa September 25 kaya magkahalong emosyon na ang nararamdaman ngayon ni Gerald Anderson. “Mixed emotions siyempre na nalulungkot dahil patapos na kami pero kumbaga parang hindi pa nagsi-sink in dahil ang dami pang nangyayari. Medyo intense pa ‘yung mga eksena namin. So hindi ko pa masyadong iniisip pero alam ko na darating na ‘yung last taping day namin, ‘yung last airing namin. I’m just so proud na part ako ng Nathaniel,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil naging instrumento ang kanilang programa upang makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan. Katulad na lamang ng ginawa nilang Binyagang Bayan noong Martes sa Quezon City. “Sobrang daming blessings na nakuha namin at nabigay namin through this show, nakakatuwa. There are 50 kids na napasaya namin. Then when we first started sa Fabella (hospital), ang dami rin naming natulungan, nakita at na-inspire. So this show had been a blessing professionally and personally,” pagbabahagi ni Gerald.

Marami ring mga bagay ang natutunan ng binata dahil sa kanyang karakter sa nasabing serye. “Ang dami kong natutunan lalo na sa role ko. Sa raming emotions, sa raming challenges, sa raming problem ang hinaharap at hindi pa siya naniniwala kung ano ang tinuturo ng simbahan. So parang wala siyang makakapitan. So going through that as an actor, playing that role, grabe. Ang dami ko po talagang natutunan to just have faith and huwag maging katulad ng nangyari kay Paul Lacsamana (karakter ni Gerald),” pagtatapos ni Gerald.

Abala na rin ngayon ang aktor sa shooting ng pelikulang Everyday I Love You kung saan ay sina Liza Soberano at Enrique Gil naman ang kanyang makakasama.

Jericho ayaw pa ring bumuo ng pamilya!

Mahigit isang taon nang kasal sina Jericho Rosales at Kim Jones pero hanggang ngayon ay wala pa rin daw plano na bumuo ng sariling pamilya ang mag-asawa. “Wala pa muna. It’s going to be a while pa. we’re busy pa eh,” maikling bungad ni Jericho.

Samantala, gusto raw ng aktor na ipinagluluto ang asawa kapag nasa bahay lamang sila. “I learned different things for her because siyempre, she eats Filipino food pero iba ‘yung tongue niya eh, iba ‘yung palate niya. She loves it. So I try to cook different things like pasta, ‘yung parang gata. Or sometimes I’ll just make a sandwich, ganyan, or a burger,” kuwento ng aktor.

Mahilig din daw maghanda ng pagkain si Kim para kay Jericho. “Mas siya ‘yung nagluluto para sa akin. I like it when she makes me a healthy salad. Favorite ko ‘yung chicken and quinoa salad na ginagawa niya for me. She makes me healthy pizza as well,” dagdag pa niya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINYAGANG BAYAN

ENRIQUE GIL

EVERYDAY I LOVE YOU

GERALD ANDERSON

JERICHO ROSALES

KIM JONES

LIZA SOBERANO

NATHANIEL

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with