^

PSN Showbiz

Alex Medina ibang klase ang tingin kay Angelica

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Proud na proud si Alex Medina dahil nakasama siya ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo. Hindi man pangunahing bida ay masaya raw ang aktor dahil namamayagpag sa ratings ang kanilang programa. “Actually before no’ng tinatanong ako ng Star Creatives kung puwede raw ako, sabi ko tatapusin ko lang ‘yung isang project ko pero gusto ko talaga mag-Pangako Sa ‘Yo. Parang nakakatuwa na honored ako na kumbaga the teleserye that started it all and now I’m part of that teleserye,” nakangiting pahayag ni Alex.

Secret lover ni Madam Claudia na karakter ni Angelica Panganiban ang ginagampanan ni Alex sa serye. “Si Simon ‘yung character ko submissive eh. Si Claudia, siya ‘yung more of aggressive. So parang I rely on her actually. There’s something about her, hindi mo ma-explain eh. ‘Pag attracted ka sa isang tao, hindi mo ma-explain, gusto mo lang makasama. Actually in real life naman, gano’n din naman ako. Submissive ako,” pagbabahagi ni Alex.

Ayon sa aktor ay malaking-malaki ang pagkakaiba nina Angelica at Madam Claudia sa totoong buhay. “Tahimik lang siya tapos ‘pag rumolyo na, ‘yun na ‘yun. Feeling ko very in character siya so nakakatuwa. Intimidating si Madam Claudia kaya maganda ‘yung nagagawa niya for the character. Kahit ako natutuwa ako na parang grabe si Angelica gumanap, iba ‘yung hold niya sa character niya. Ibang klase, talagang madam talaga siya,” paglalarawan ng binata.

Melai ayaw patulan ang isyu kay Kakai

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng concert si Melai Cantiveros na gaganapin sa Biyernes sa Teatrino Greenhills.

Magkahalong emosyon daw ang nararamdaman ngayon ng komedyante dahil dito. “Ang nararamdaman ko is very happy dahil binigyan nila ako ng chance para mag-concert. Siguro talagang malaki ang tiwala nila, ‘yung trust pa lang nakaka-overwhelm and nararamdaman ko is very happy, kinakabahan,” pagtatapat ni Melai.

Lubusan daw na mas makikilala pa ang Prinsesa ng Masa dahil sa gagawing tema ng concert. “Ang pasabog ko rito is my life. Kaso kung nakita nila do’n sa Your Face Sounds Familiar ang half ng life ko, hindi pa rin nila nakikita ang buong buhay ko. Magkukuwento ako at makikilala nila ako nang lubusan dito,” pahayag ng aktres.

Samantala, nitong weekend ay nagsimula na ang Your Face Sounds Familiar season 2. Ikinukumpara ngayon si Melai na siyang nag-champion sa season 1 at ang bagong contestant na si Kakai Bautista. “Siguro na-compare lang kami para magkaroon ng isyu pero wala naman talagang kaisyu-isyu. Kami ni ate Kakai, sobrang friends, sobrang close kami, talagang we embrace each other. Siya ang ate Kakai ko, ako naman ‘yung like a sister niya,” pagtatapos ni Melai.

 

vuukle comment

ACIRC

AKO

ALEX

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

KAKAI

KAKAI BAUTISTA

MADAM CLAUDIA

MELAI

MELAI CANTIVEROS

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with