^

PSN Showbiz

Kriminal na pumatay ng binata masuwerte, Mayor Erap nakapagpigil!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kung ako man ang nasa lugar ni Manila City Mayor Joseph Estrada, talagang mawawala ang pasensya ko at iiral ang galit ko sa holdaper na nang-agaw ng cellphone, sumaksak, at pumatay sa 17-year-old student na lalaki.

Masuwerte ang holdaper na si Richard Pring dahil napigilan ni Papa Erap ang sarili na sapakin siya. Kung ako ang nasa posisyon ni Papa Erap, tatampalin ko nang walang humpay ang kriminal na walang konsyensya at tumapos sa buhay ng isang inosenteng bata.

Nakakagalit ang ginawa ng holdaper na walang budhi. Hindi natin masisisi ang taumbayan sa kanilang panawagan na gamitin din sa kriminal ang patalim na kumitil sa kaawa-awang biktima.

Misis ni Dennis da Silva pinatulan ang anak ng aktor na kasali sa Starstruck

Nag-e-emote ang current wife ng former actor na si Dennis Da Silva at nakasentro ang pagkaimbyerna niya kay Faith Da Silva, ang anak ni Dennis na umaasa na makakasali sa Top 14 ng Starstruck 6.  

Nagagalit si Tina, ang misis ni Dennis, kay Faith dahil sa dialogue nito na “Sinasabi niya kasi sa iba that I was her daughter na hindi naman totoo!”

Rumesbak si Tina sa anak ni Dennis. Ang sey niya,

“Ineng, kauumpisa mo pa lang at ni hindi ka pa panalo tapos eto na mga hirit mo? I was so wrong to support you. Why will I claim that you are my daughter? Sino ka ba?”

Palaban at galit na galit ang misis ni Dennis na ayaw nang suportahan ang pagsali ni Faith sa Starstruck 6. Nagpakawala rin si Tina ng mga quotable quote tungkol sa anak ni Dennis na hindi pa pala nakikilala nang personal ng aktor na matagal nang nakakulong sa Pasig City Jail.

“Bastos na bata. That was her conversation sa isang kakilala ko. I claimed daw na anak ko sya? Who the hell is she? Kinakahiya nga n’ya daddy n’ya .

“Stupid lang talaga... Why will I say anak ko s’ya? I always say Dennis daughter di ba? Kakagigil lang and siya mismo nagsabi niyan...

“I was so shock to hear it from her.. Di siya handa makilala daddy niya kase nahihiya siya

“Kung anak, di siya magpaka-showbiz... Dapat if you’re entering showbizness, paka- plastic ka muna... Kung anak ko ‘yan di sana lalaking bastos ‘yan.

“Hindi pa niya nakikilala si Dennis, na- judge niya na... Nahihiya pala siya, sana di niya dinala surname na Da Silva.”

O ‘di ba, emote to the max ang misis ni Dennis at dahil sa kanyang mga statement, nagkaroon ng interes ang publiko na kilalanin ang bagets na contestant sa Starstruck 6. Nalimutan yata ng misis ni Dennis na publicity, good or bad is still publicity. Tinulungan pa niya si Faith para mapag-usapan at maging kontrobersyal.

Jackie Lou, babaeng walang pahinga!

Babaeng walang pahinga si Jackie Lou Blanco dahil ngayong gabi pa lamang matatapos ang Baker King, mapapanood na agad siya sa susunod na Linggo sa Destiny Rose ng GMA 7.

Si Jackie Lou ang kontrabida sa Baker King ng TV5 at siya ang stepmother ni Takgu. Hindi nagpahinga si Jackie Lou dahil nang matapos ang taping ng Baker King, ang taping naman ng Destiny Rose ang pinagkaabalahan niya.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANAK

ANG

BAKER KING

DENNIS

DESTINY ROSE

LEFT

NIYA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with