^

PSN Showbiz

Pauleen instant lola pagkakasal kay Vic!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung si Heart Evangelista ay tanggap ang pagiging madrasta ng twins ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero sa ex-wife nitong si Christine Flores, tanggap na rin ni Pauleen Luna ang mga anak at mga apo ng kanyang magiging mister na si Vic Sotto.

Si Vic ay may mga apo na sa kanyang dalawang panganay na anak na sina Danica at Oyo (sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie) habang nanatiling single pa rin hanggang ngayon ang dalawa niyang mga anak na sina Vico (kay Coney Reyes) at Paulina (kay Angela Luz).

Karylle at Yael nahihirapang magka-baby

Masaya ang panganay na anak ni Zsa Zsa Padilla (sa ex-husband niyang si Dr. Modesto Tatlonghari) na si Karylle para sa kanyang ina dahil nakikita niya kung gaano ito kasaya ngayon sa piling ng kanyang fiancée, ang sikat na arkitektong si Conrad Onglao.

Nakita ni Karylle ang kalungkutan sa kanyang ina nang pumanaw ang longtime partner nito na si Dolphy.  Bumalik lamang umano ang sigla ng kanyang ina nang dumating sa kanyang buhay si Conrad.

Speaking of Karylle, inamin nito sa amin na ready na umano siyang magkaroon sila ng baby ng mister niyang si Yael pero alam niya na darating ito in God’s perfect time.

Since parehong mahilig sa musika ang mag-asawang Yael at Karylle, marami silang common interest at kasama na rito ang paglikha ng mga awitin.

Si Karylle ay regular pa ring napapanood sa daily noontime show ng ABS-CBN, ang It’s Showtime bilang isa sa mga hosts ng programa.

vuukle comment

ANG

ANGELA LUZ

CHIZ ESCUDERO

CHRISTINE FLORES

CONEY REYES

CONRAD ONGLAO

DINA BONNEVIE

DR. MODESTO TATLONGHARI

KANYANG

KARYLLE

YAEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with