^

PSN Showbiz

Walang kakontra-kontra sa mga sinasabi ng misis, Guwapong aktor tumandang under de saya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Under de saya pala ang isang guwapo pa ring aktor sa kabila ng kanyang pagkakaedad. Andres nga ang tawag sa kanya ng mga taong nakakaalam ng sitwasyon nila ng kanyang misis.

Ayon sa kanyang mga kasamahan ay walang kapalag-palag ang guwapong aktor sa lahat ng gustong mangyari ng kanyang misis, yes lang siya nang yes, may kuwento sa likod nu’n.

“Nu’ng walang-wala kasi siya dahil sa nangyari sa career niya, e, ang babaeng ‘yun ang sinandalan niya. Wala siyang trabaho, walang kita, ang babae ang bumuhay sa kanya.

“Lahat ng kailangan niya, ang girl ang nagbibigay sa kanya. Mahirap mabuhay sa ibang bansa lalo na kung wala kang kakilala, ‘di ba? Naging madali ang lahat para sa kanya dahil sa girl na eventually, e, naging wife niya,” kuwento ng aming source.

Nang magbalik na sa bansa ang aktor ay salamat naman at nagkaroon siya ng mga proyekto. Hindi lang naging maganda ang sitwasyon nila ng una niyang manager, nagkademandahan sila, pero patuloy pa ring nakapagtrabaho ang aktor.

Kumikita na siya ngayon pero ang misis pa rin niya ang nasusunod sa kanilang bahay, kung ano ang sabihin ng misis niya, walang kakontra-kontra ang under de sayang aktor.

“Nu’ng last taping day ng seryeng ginawa niya, e, nagkayayaan ang tropa na lumabas, pero hindi nakasama si ____(pangalan ng guwapong aktor), ayaw ng wife niya, umuwi na lang daw siya.

“’Yun nga ang ginawa niya, go home na lang siya agad, hindi na siya sumama sa tropa. Ganu’n siya kamasunurin sa wife niya, talagang under na under siya,” natatawa pang kuwento ng aming source.

Maraming naging karelasyong artista ang guwapong aktor na ito pero ang pinakamarkado ay ang relasyon nila ng aktres na sikat na sikat nu’n.

“Hindi rin sila nagtagal, pero nagkaanak sila. Aysus, para silang pinagbiyak na bunga ng anak niyang artista na rin,” clue pa ng aming impormante.

Ubos!

Hindi na tama ang inaasal Angelica kailangan na ng anger management

Dapat sigurong sumailalim sa anger management si Angelica Panganiban. Ang minsan-makalawang pagpalya sa kagandahang-asal ay kauna-unawa pa pero lampas du’n ay kapansin-pansin na.

May mga kaibigan kaming naglabas ng kanilang saloobin tungkol kay Ange­lica dahil sa pagpupuyos ng kanyang emosyon sa In­tagram. Sumosobra na raw ang magandang aktres, Angelica pa naman daw ang kanyang pangalan, pero kabaligtaran naman nu’n ang pinaiiral niyang imahe at ugali.

“Masyado siyang mapagpatol, wala siyang pinalalampas, very unbecoming of a star na dapat tularan ang mga sinasabi niya. Siguro, kailangan na niyang mag-undergo ng anger management,” opinyon ng isang kaibigan namin.

Hindi rin pumasa sa mga ka­­babayan natin ang kanyang katwiran na palagi kasi siyang puyat at pagod, halos wala na raw siyang tulog dahil sa dami ng kanyang trabaho, kaya madalas na umiinit ang kanyang ulo.

“Kundi niya kaya ang pagtatrabaho nang sagaran, huwag niyang tanggapin ang work! Maging responsible dapat siya. She wants to work hard, pa­nindigan niya ‘yun, huwag siyang nangdadamay ng ibang tao sa sobrang kapaguran niya!” suhestiyon naman ng isa pang kaibigan.

Ang naturalesa ay mahirap tanggalin. Napipino lang ‘yun kapag hinihingi ng pagkakataon pero ang kanaturalan ng pag-uugali ay kadikit na ng balat ng may katawan.

Hindi sa lahat ng panahon ay mauunawaan ng publiko ang mga personalidad na nagmamalabis. May hangganan ‘yun. Kapag marami nang nagre­reklamo ay siguradong ang inirereklamo na ang dapat magbago.

Ganu’n lang kasimple ‘yun.

vuukle comment

ACIRC

AKTOR

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

GANU

HINDI

KANYANG

MGA

NIYA

PERO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with