^

PSN Showbiz

Alden at Yaya Dub magkikita na sa shooting!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa September 18 ang schedule ng first shooting day ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nina Vic Sotto at AiAi delas Alas na may working title na Romcom-in Mo Ako. Kung final nang kasama sa cast sina Alden Richards at Yaya Dub, ibig sabihin nito, malapit na ang tamang panahon para sila’y pagtagpuin.

Hindi sila puwedeng mag-shooting ng hindi pa nagkikita, unless ang role nila sa movie na mala-kalyeserye rin na hindi nagkikita at puro dubsmash pa rin ang gagawin. Gusto ng AlDub fans na marinig na ang mga boses ng dalawa at matagal nang hinihintay ang pagkikita ng nasabing love team.

Si Joey Reyes ang magdidirek ng MMFF entry at siya ang nagsabing hindi pa final title ang Romcom-in Mo Ako.

Anyway, hindi pa man nagsisimula ang magiging first movie ng AlDub love team, may tsikang inihahanda na rin ang launching movie nina Alden at Yaya Dub for next year. May lumutang nang title, pero itsi-tsek pa namin pati kung sino ang director.

Speaking of Alden, may tsikang muli itong rarampa sa Cosmo Bash this year, nagtanong kami sa GMA Artist Center kung totoo dahil may fans ang aktor na nagtatanong. As of yesterday, hindi pa kami binalikan ng GMAAC.

Tambalang Megan at Tom tinutulungan nina Marian, Carla, at Mikael

Tumutulong sa fans nina Megan Young at Tom Rodriguez para mag-trending ang MariMar ang fans ni Marian Rivera at ang ibang AlDub fans. Tumulong at sumuporta ang fans ni Marian sa te­leserye nang i-welcome ni Marian si Megan sa Sunday PinaSaya at ipasa ang MariMar kay Megan.

Ang AlDub fans naman ay tumutulong mag-trend ang MariMar dahil fan si Megan nina Alden at Yaya Dub. Kaya bilang pasasalamat ng fans, nagsisipag din silang mag-tweet ‘pag airing na ang show nina Megan at Tom.

Tumutulong din ang TomCar fans nina Tom at Carla Abellana para mag-trending ang MariMar at pati na rin mismo si Carla.

Pati nga si Mikael Daez tumulong na rin sa pagpo-promote at finally, nag-post din ng picture ni Megan na naka-two-piece na nasa beach. Ang caption ni Mikael ay “Well look who I found lying on the beach! Nasilayan ko na si Marimar noon pa pero ngayong gabi (Monday), makikilala na siya ng buong Pilipinas! Panoorin ang #Marimar2015 and then of course #MyFaithfulHusband #WillDeanMeetMarimar?”, post nito noong Monday.

Buhay ni Francis M. gagawan ng musical play?!

Nakita namin sa IG ni Noel Ferrer ang super short teaser ng next musical play na base sa buhay ni Francis Magalona. Sabi sa teaser, sa 2016 pa ito ipalalabas pero marami na agad ang interesadong mapanood ang nasabing musical.

Hindi pa in-announce ng PETA kung ano ang magiging title ng musical play, kung sino ang bubuo ng cast, at pati ang director. Request ng fans na isama sa cast si Elmo Magalona at ang iba pang anak ni Francis.

Ang sarap sigurong mapakinggan nang live ang mga pinasikat na kanta ni Francis M lalo na ang Mga Kababayan Ko at ang favorite naming Cold Summer Nights.

Dahil sa grabeng harutan Direk Gino at Derek wini-wish na maging friends pa rin sila ni Billy pagkatapos mapanood ang Ex With Benefits

Ni-launch ang music video ng theme song ng Star Cinema at Viva Films movie na Ex with Benefits na I Love You Always Forever na kinanta ni Marion Aunor. Mapapanood ang music video sa YouTube at marami ang nagkagusto sa mga nakapanood na nito na pare-pareho ang reaction, maganda ang song at bagay sa movie nina Derek Ramsay at Coleen Garcia.

Sa September 2 na ang showing ng Ex with Benefits at sa premiere night pa lang, inaabangan na kung darating si Billy Crawford. Sabi kasi ni Coleen sa presscon, pinipi­gilan niyang manood si Billy, pero nagpipilit naman ang boyfriend nito na manood ng movie.

Nagpauna na si director Gino Santos na friends pa rin sana sila ni Billy pagkatapos nitong mapanood ang Ex with Benefits. Ganu’n din ang sinabi ni Derek.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

FANS

FRANCIS M

MEGAN

MO AKO

NBSP

NINA

SA SEPTEMBER

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with