^

PSN Showbiz

Mga artista nakipag-selfie! Internet sensation na si Maria Sofia Love instant celebrity

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Naglagare kahapon si DILG Secretary Mar Roxas dahil sa magkasunod na guesting niya sa Unang Hirit ng GMA 7 at Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN para i-promote ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa 2016.

SCENE: Biktima ng matinding trapik kahapon si Candy Pangilinan na nagsalita na puwede nang isisi sa gobyerno ang pagkakaroon ng broken families dahil wala nang oras para sa kanilang pamilya ang ibang mga tao.

SEEN: Ang pahayag ni Senator Chiz Escudero na dapat manggaling kay Senator Grace Poe at hindi kanino pa man ang magiging desisyon sa 2016 elections ng anak nina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces. Nagpasalamat si Escudero sa mga kasamahan niya sa partido na naniniwala at may tiwala sa Poe-Escudero tandem.

SCENE: Dumalo sa Keribeks, ang First National Gay Congress na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Martes ang Internet sensation na si Maria Sofia Love. Instant celebrity si Maria Sofia Love dahil mga artista ang nag-request sa kanya ng photo op.

SEEN: Hindi nawawala ang pag-asa ni Willie Revillame na magiging daily show ang Wowowin bago matapos ang taon o sa early 2016. Ang Wowowin Sunday afternoon game show ni Willie sa GMA 7.

SCENE: Redundant at mali-mali ang mga sinabi kahapon ng weatherman na si Alvin Pura sa Umagang Kay Ganda tungkol sa pagpasok ni Super Typhoon Soudelor sa Philippine Area of Responsibility

SEEN: Ang rebelasyon ni Janice de Belen na isang taon nang maayos ang relasyon nila ng kanyang ex-husband na si John Estrada dahil nagkaroon sila ng masinsinan na pag-uusap tungkol sa mga personal na isyu ng kanilang anak na si Innah.

vuukle comment

ALVIN PURA

ANG

ANG WOWOWIN SUNDAY

CANDY PANGILINAN

FERNANDO POE

FIRST NATIONAL GAY CONGRESS

JOHN ESTRADA

MARIA SOFIA LOVE

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

STRONG

UMAGANG KAY GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with