^

PSN Showbiz

Misis, ipinagpalit sa beki!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang alam natin, ang isang lalaking may asawa ay maaaring magkaroon ng ibang babae. Pero me­ron palang mga lalaking may asawa na maaaring magkaroon ng ibang lalaki.

Ngayong Sabado (Agosto 1) sa Magpakaila­n­man, tunghayan ang kwento ni Turbo – isang lalaki na pinagpalit ang kanyang asawa sa isang beki.

Nabuntis ni Turbo si Anna at nagpakasal sila agad. Subalit ang dating matamis nilang pagsasa­ma ay nauwi sa laging pag-aaway. Hanggang sa nakilala ni Turbo si Jay na call center agent. Porma ay lalaki, pero isa palang bading.

Laging nakakasama at nahihingahan ng sama ng loob ni Turbo si Jay tungkol kay Anna. Lalo pang nalapit si Turbo kay Jay dahil kay Jay niya naramdaman ang pagmamahal at pag-aaruga na dapat sana ay si Anna ang nagbibigay. Hindi nagtagal, tuluyan na ngang nahulog ang loob ni Turbo kay Jay.

Paano aaminin ni Turbo kay Anna na si Jay na ang kanyang minamahal? Matanggap kaya ng pamilya ni Turbo ang kanyang bagong pagkatao? May happy ending kaya ang love story ni Turbo at ni Jay?

 Itinatampok sina Rochelle Pangilinan bilang Anna, Victor Basa bilang Jay, Susan Africa bilang Ester, Ken Alfonso bilang Patrick at Sid Lucero bilang Turbo.

Mula sa direkyson ni Ricky Davao, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Kukumpleto sa final five ng Funny One, makikilala na 

Muling nagpapakitang gilas sa pagpapatawa ang anim na nagpaalam na komikeros sa wildcard round ng Funny One ng It’s Showtime para mabigyan ng pagkakataon na pumasok sa Final Five na siyang maglalaban-laban sa grand finals ngayong Agosto.

Sino kaya ang huling komikero na makakatapat nina Crazy Duo, Gibis Alejandrino, No Direction, at Ryan Rems Sarita sa grand finals para sa grand prize na P1 mil­yon?

Sa huling wildcard round ngayong Sabado (Agosto 1), muling babalik para magpatawa sina Bob Jbeili, Nonong Ballinan, at ang magwa­wagi sa salpukan nina Idol Yoyoy at Iskobi Duo.

Muli silang huhusgahan ng mga huradong sina Joey Marquez, Melai Cantiveros, at Herbert Bautista at ang mananalo sa round na ito ang siyang papasok sa Final Five.

Sino ang huling komikero na kukumpleto sa Final Five?

Makisaya sa Funny One, ang pina­kamalaking comedy search ng It’s Showtime, 12:15PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado sa ABS-CBN.

vuukle comment

ACIRC

AGOSTO

ANG

BOB JBEILI

CRAZY DUO

FINAL FIVE

FUNNY ONE

JAY

SABADO

STRONG

TURBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with