^

PSN Showbiz

Mga rumampa sa SONA, ayaw pa ring lubayan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Salve A., may ilang araw nang tapos ang last State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino pero hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang naging laman ng kanyang two-hour speech maging ang mga kasuotan ng mga congressional spouses at maging ang mga misis ng mga senador at ng mga senador mismo.

Aminin man natin ito o hindi, nagiging annual fashion event ang SONA ng Pangulo ng Pilipinas dahil dito naglalabasan ang mga naggagandahan at nagmamahalang kasuotan ng lahat at maging ang mga alahas ng mga kababaihan.

Sa halip na aba­ngan, pakinggan, at limiin ang nilalaman ng speech ng pangulo ay umaagaw sa attention ang fashion statement ng mga nagsisidalo.

We have to admit na mas pinaghandaan ngayon ng mga kababaihan na dumalo sa SONA ang kanilang mga kasuotan. Although still expensive, they look simpler now than before. Ultimo si Sen. Nancy Binay na nabanatan noong isang taon sa kanyang Randy Ortiz gown ay pinuri sa kanyang kasuotan na gawa pa rin ng same designer.

Meron naman kasing mga taong binabagayan ng kanilang mga kasuotan kahit gaano ito ka-simple. Nasa pagdadala naman kasi `yon at hindi nakukuha sa pagiging bongga at mamahalin ng isang kasuotan.

Stand-out ang mga naging kasuotan ng Presidential sister na si Kris Aquino, ang misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista, si Rep. Lucy Torres-Gomez na misis ni Richard Gomez at maging ang misis ni Rep. Anton Lagdameo na si Dawn Zulueta. Saludo rin kami kay Sen. Loren Legarda sa pagiging consistently simple ng kanyang kasuotan ganoon din naman ni Sen. Grace Poe-Llamanzares.

Alonzo at David naging instant ang bonding

Hindi magkakilala ang dalawang bagets na sina Alonzo Muhlach at David Remo pero nang magkita ang dalawa sa ika-15th anniversary celebration ng YES! Magazine na ginanap sa Crowne Plaza Ballroom in Ortigas Center last Monday (July 27) evening, naging instrant friends ang dalawa.

Walang pakialam ang dalawang bagets na naghabulan at nagtaguan sa loob ng ballroom at ginawa nilang playground ang nasabing lugar na punum-puno ng mga bisita from showbiz.

Wala namang magawa ang respective dads ng dalawa na sina Niño Muhlach at Don Remo at hinintay lamang nilang mapagod ang mga ito at saka kumalma sa kanilang upuan laluna nang sila’y bigyan ng bond paper at crayons para mag-drawing.

Napaka-hyper pa rin ni Alonzo that evening kahit wala pa itong tulog dahil galing ito ng school at dumiretso sa shoot ng kanyang bagong product endorsement, ang Bossing Hotdog na produkto ng Frabelle.

Maya-maya lamang ay nagyakag nang umalis si Alonzo dahil inaantok na umano siya at may shooting pa siya ng Wang Fam movie kinabukasan ng hapon after school.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANG

ANTON LAGDAMEO

BOSSING HOTDOG

CHIZ ESCUDERO

CROWNE PLAZA BALLROOM

DAVID REMO

DAWN ZULUETA

KASUOTAN

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with