^

PSN Showbiz

Balut ni Enrique, bibida sa easter ng Matanglawin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mula sa pag-ani ng strawberries sa hit teleserye niyang Forevermore, balut naman ang trip at personal na aanihin ng Kapamilya leading man na si Enrique Gil ngayong Linggo (Abril 5) sa Easter special ng Matanglawin.

Tampok din sa egg-citing na episode ngayong linggo ang mga cute na kuneho at iba’t ibang pagsubok sa madlang pipol.

Dalawang klase ng kuneho ang ipapakita ni Kuya Kim sa mga manonood sa kanyang pagbisita sa isang tahanang may 30 kuneho na nagtatakbuhan sa kanilang bakuran.

Matuto rin kung paano pinturahan ang isang itlog sa paraang ginagamit ng mga Ukranian para sa kanilang mga Easter egg. At habang abala ang lahat, susubukin naman ni Kuya Kim ang mga dayuhang kanyang makakapanayam para malaman kung sino nga ba ang kayang kumain ng pinakamaraming itlog.

Hindi lang iyan, makikisali rin ang mga Kapamilya star sa kanilang pag­harap sa hamon ng pagbabalanse ng mga itlog.

Huwag palampasin ang Easter special episode ng Matanglawin sa Linggo (Abril 5), 10 ng umaga sa ABS-CBN.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

DALAWANG

ENRIQUE GIL

HUWAG

KAPAMILYA

KUYA KIM

LINGGO

MATANGLAWIN

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with