^

PSN Showbiz

KZ Tandingan, magpapasiklab sa kanyang unang concert

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasado na ang first major self-titled solo concert ng Mahal Ko O Mahal Ako hit singer na si KZ Tan­dingan. Gaganapin ang KZ sa Music Museum sa Abril 17 (Biyernes).

“Ito na po ang chance kong maipakita ang lahat ng sides na mayroon ako sa music. May inihanda po akong songs sa iba’t ibang genre. Sinisiguro ko pong ibibigay ko ang lahat para mapasaya po ang lahat ng magiging part ng napakalaking milestone sa music career ko,” pahayag ni KZ na unang nakilala bilang first grand winner ng The X Factor Philippines.

Kasama sa mga guest ni KZ sa kanyang concert sina Ebe Dancel, Abra, Richard Poon, Harana Boys, Kokoi ng The Voice of the Philippines Season 2 at ang kanyang X Factor mentor na si Charice. Ang concert ay sa ilalim ng produksyon ng Star Events ng ABS-CBN, stage direction ni Marvin Caldito, at musical direction ni Karel Honasan.

Maaari nang mabili ang tickets para sa upcoming concert ni KZ sa pama­ma­gitan ng pagtawag sa Music Museum sa 721-6726 at sa TicketWorld sa 891-9999 o mag-log on lamang sa Ticketworld.com.ph.

vuukle comment

EBE DANCEL

HARANA BOYS

KAREL HONASAN

MAHAL KO O MAHAL AKO

MARVIN CALDITO

MUSIC MUSEUM

RICHARD POON

STAR EVENTS

VOICE OF THE PHILIPPINES SEASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with