^

PSN Showbiz

Bawat kilos at galaw ni Ruffa binubuntutan ng mga camera

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nasa bansa na ang staff and crew ng NBC Universal sa pangunguna ng director na si Steven Gilfeather para simulan ang Season 3 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Kaya kahit saan magpunta ngayon ang Gutierrez family, may nakasunod na camera.

Sa nakaraang 9th anniversary celebration ng Bargn Farmaceutici Philippines Co., nabanggit ni Ruffa na pati ang Holy Week vacation ng kanilang pamilya sa Bali, Indonesia ay kukunan para sa Season 3 ng It Takes Gutz..., na sabi ni Ruffa ay last season na. Kaya pinakamalaki at pinakabonggang season ito.

Aktor na matagal nagtiis sa drama ng ex, may bagong GF na

Mukhang tuluyan nang tinuldukan ng young actor ang relasyon nila ng aktres, hindi na siya gumawa ng hakbang na magkabalikan pa sila. Ayaw na rin yata nito ng on and off nilang relasyon. Kaya kahit nag­ma­makaawa ang kanilang fans na su­yuin at balikan ang aktres, the opposite ang ginagawa ng aktor.

Bukod sa itinigil na niya ang komunikasyon, ipinaalis na raw nito ang pangalan ng ex-GF na naka-tattoo sa kanyang braso. The last time na nakita ang young actor ng isang kaibigan, wala na siyang nakitang tattoo sa braso nito.

In-unfollow na rin ng aktor sa Instagram (IG) ang aktres.

Ang isa pang palatandaang naka-move on na ang aktor ay nagsimula na itong manligaw sa ibang babae. Pero ang sabi, may bago na itong non-showbiz GF.

Curious kaya ang ex nitong aktres na malaman kung ang bagong GF ng ex na sinasabing pamangkin ng kasama ng aktor sa isang show o ‘yung kinakaray sa taping ng isa pang show ng aktor?

Miguel excited nang magkolehiyo

Graduation sa high school kahapon ni Miguel Tanfelix, nag-graduate siya sa Cavite School of Life at excited na itong tumtuntong ng kolehiyo. Hinihintay na lang nito ang result ng kinuhang National Achievement Test para malaman kung aling kurso sa college siya mas bagay.

Kung si Miguel ang pamimiliin, gusto niyang mag-enroll ng Engineering course o ‘di kaya’y maging isang piloto. After ng taping ng Once Upon A Kiss, makakapag-concentrate si Miguel sa pagpasok niya sa college habang wala siyang bagong soap.

Supporters ni Melissa hindi na maaway si Andrew Wolff

Pareho nang naka-private ang Instagram (IG) nina Andrew Wolff at Rey Pamaran kaya hindi na sila maaaway ng sympathizers ni Melissa Mendez. Last Friday lang, na-check pa namin ang IG ni Mr. Pamaran, pero kahapon, naka-private na.

Ganu’n din ang IG ni Andrew na dati, open sa lahat na gustong bumisita. Ngayon, naka-private na rin. Deleted na rin ang pinost nitong video.

Ang nag-aaway-away ngayon sa IG nina Melissa at anak na si Denise Oca ay ang pabor kay Melissa at kampi kina Andrew at Mr. Pamaran. Ang da­ming nalalaman sa comments kina Andrew at Mr. Pamaran.

vuukle comment

ANDREW WOLFF

BARGN FARMACEUTICI PHILIPPINES CO

CAVITE SCHOOL OF LIFE

DENISE OCA

HOLY WEEK

IT TAKES GUTZ

KAYA

MIGUEL

MR. PAMARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with