^

PSN Showbiz

Sa ibang bansa raw Solenn itatago ang pagpapakasal sa BF

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nauuso na ngayon ang mga musical play na sinasalihan ng mga kilalang artista. Dito kasi napapatunayan kung talagang magaling sila dahil sa live na acting na may kasama pang pagkanta.

Kaugnay dito, ang multi-awarded screenwriter na si Ricky Lee ay may isinulat na libretto ng musicale na itatanghal simula Hulyo ng taong ito. Ito yung Kabesang Tales hango sa nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal.

Magkakaroon ng audition ang Red Lantern Productions para sa isang Rock Musicale na Kabesang Tales.

Kailangan ng mahuhusay na lalaki (18-50 years old) at babae (18-40 years old) na nakakakanta at nakakasayaw pang bida man o ensemble.

Sa mga interesado, sa Linggo na ang audition mula 10 a.m. hanggang 3:00 p.m. na gaganapin sa 2nd floor ng Frontrow, Pacific Century Bldg, Quezon Avenue, Q.C. malapit sa National bookstore at Crossings Dept. Store.

Puwede kayong makipag-ugnayan kina Cielo 09265575185 o kay Domineek 09156175337.

PAK: Tinitiyak ni Solenn Heussaff na wala pang magpapakasal sa kanila ng kapatid niyang si Erwan Heussaff ngayong taong ito.

Pagkatapos ng engagement nina Solenn at ng Argentinian boyfriend niyang si Nico Bolzico, napag-usapan din na nagkaroon daw ng engagement sina Erwan at Anne Curtis.

Itinatanggi ito ni Solenn nang nakatsikahan namin sa contract-signing nito sa Universal Records.

Sabi ni Solenn, hindi raw puwedeng mauna sa kanya si Erwan dahil masyadong bata pa raw ito para magpakasal.

Kaya siya raw muna ang magpapakasal bago magplano sina Erwan at Anne.

Pero sabi ni Solenn, kung sakaling magpakasal daw sila ni Nico ay walang makakaalam daw dahil gagawin nila ito sa ibang bansa at sila-sila lang daw.

Gusto niyang maging pribado ang magiging kasal nila..

Pinaghahandan ngayon ni Solenn ang album na gagawin niya sa Universal Records na ang iba ay mula sa sarili niyang komposisyon.

BOOM: As of presstime wala pa si Sunshine Cruz sa hearing ng Nullity of Marriage nila ni Cesar Montano.

Si Cesar ang unang dumating pero tumanggi itong magsalita.

Masyadong mahigpit ang taga-QC RTC dahil sa family court ito at hindi raw puwedeng magsalita ang mga taong involved.

Pero ang isa sa nakuha naming impormasyon ay ang child custody na inilalaban ng kampo ni Sunshine na nasa aktres mapupunta at hindi kay Cesar.

Sa aming pagkakaalam, na kay Sunshine pa ang custody ng tatlong anak nila ni Cesar pero may visitation rights ang aktor.

Pati kaya visitation rights ay ipatanggal ni Sunshine dahil sa isa pang kasong isinampa niya laban sa estranged husband?

vuukle comment

ANNE CURTIS

CESAR MONTANO

CROSSINGS DEPT

DR. JOSE RIZAL

EL FILIBUSTERISMO

ERWAN

ERWAN HEUSSAFF

KABESANG TALES

SOLENN

UNIVERSAL RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with