^

PSN Showbiz

Sandara nami-miss daw: Hero gusto uling balikan ang showbiz

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May ang bulung-bulungan na magbabalik-showbiz na si Hero Angeles kung mabibigyan ng pagkakataon. “Oo naman, kasi kumbaga isa sa mga first love ko rin kaya after no’ng mag-aral ako, ito ‘yung isa sa mga ginawa ko. So babalik at babalik-balikan ko rin. Feeling ko eh kahit saan ako lumusot do’n din pupunta,” nakangiting bungad ni Hero.

Wala raw problema sa binata kung muling magkakatambal sila ni Sandara Park sa mga proyekto. “Ako naman oo, kasi trabaho naman ‘yon. Ang tagal na rin noong huli ko siyang nakatrabaho, 2005 pa yata, open naman ako,” pagtatapat ni Hero.

Masaya raw ang aktor para sa narating ng career ni Sandara sa Korea. “Kasi dream niya ‘yan, even before she even joined the contest. Alam ko nag-training pa siya rito para lang kumanta and then nag-artista siya and then naging singer nga,” kuwento ni Hero.

Wala nang naging komunikasyon ang dalawa mula nang umalis si Sandara noong 2007 sa Pilipinas. “Wala, siguro sa grupo (Star Circle Quest) ko, wala na akong nakausap. Nakakausap through chat sina Neri (Naig), Melissa (Ricks),” giit ng aktor.

Nagpapasalamat si Hero sa mga tagahanga niyang patuloy na sumusuporta sa kanya kahit hindi na masyadong aktibo sa show business. “Thank you sa continuous support nila. After 10 years nandiyan pa rin sila. Tapos happy ako na last week lang na mag-guest ako sa ASAP. Nabasa ko ‘yung mga comments nila, ‘yung excitement nila,” pagtatapos ng aktor.

Liza inamin na ang tungkol sa kanila ni Enrique

Sobrang abala raw ngayon ang mga bida ng Forevermore na sina Enrique Gil at Liza Soberano. Halos araw-araw daw ang taping ng kanilang programa para lang may mapanood ang mga sumusubaybay sa kanila. “Laging busy kasi laging for airing ang ibang scenes na sinu-shoot namin. Tapos nakakatuwa, ang dami laging tao na bumibisita sa amin. Lagi kaming masaya, happy sa set lang. Nakakatuwa po na ‘Agnes’ ang tawag sa akin ng mga tao kapag nakikita nila ako. Kasi ibig sabihin, tumatak na sa kanila ang role ko. Parang naging icon in a way si Agnes.”

Samantala, nagbigay ng reaksyon si Liza tungkol sa sinabi ni Enrique sa telebisyon noong isang linggo na may ‘understanding’ na umano silang dalawa. “May understanding naman kami na sa ngayon. We want to keep kung ano ang meron kami na magkaibigan kami, at ‘yung closeness. Tapos po hanggang doon na lang muna, we will see naman po. Parang best friend ko po siya sa showbiz. I trust him a lot kasi nasasabi ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko everyday. Parang if I have thoughts, nakikinig lagi siya,” pagbabahagi ni Liza. Reports from JAMES C. CANTOS

                   

vuukle comment

AGNES

AKO

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

HERO ANGELES

TAPOS

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with