^

PSN Showbiz

Pero kailangang bumawi sa Albay Tourism... Sorry ni Xian tinanggap na ni Gov. Salceda

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kim Rumesbak sa mga ‘humusga’ raw sa ka-loveteam!

Ikinatuwa ng fans nina Kim Chiu at Xian Lim ang tweet ni Kim na “Just a thought...wag po sana tayo mag-judge agad ng tao. Lalo na po, if wala tayo mismo doon,” na obviously patungkol sa kontrobersyang kina­sangkutan ni Xian. Nagpasalamat sa kanya ang fans nila sa suportang ibinigay sa ka-love team.

May post pa si Kim na quotation na “There are three sides to every story. My side of the story with the information I have. Your side of the story with the information you have. And the side of the story that has all the information.”

Sa nakita naming picture ni Xian sa rehearsal ng ASAP, hindi siya mukhang malungkot, naka­ngiti pa nga. Kampante siguro ito na malalampasan ang pa­nibagong intri­gang kinasangkutan.

Ang latest, pinatawad na  si Xian ni Gov. Joey Sal­ceda. Narito ang bahagi ng kanyang pahayag: “In the spirt of Lent, and it’s the season of Kuwaresma, and on behalf of the people of Albay, I’ll accept his proffered apology. And I believe its a necessary first step of repentance. And after repen­tance is penance.

So bilang penance niya po eh talagang nasaktan dito ay Albay Tourism, so Albay tou­rism din ang dapat tulungan niya,”

Gary V kakarerin ang panggagaya

May nabasa kaming mag­kakaroon ng TV show sa ABS-CBN si Gary Va­len­ciano, at Your Face Sounds Fami­liar kaya ang tinutukoy? Isa kasi si Gary V sa three judges ng show na kinabibilangan nina Toni Gonzaga at Jed Ma­dela. Si Billy Crawford ang host ng show.

Ang Your Face Sounds Fami­liar daw ang ipapalit sa The Voice, kaya malapit na itong umere. Mag-i-enjoy ang vie­wers sa concept ng show kung saan, ii-imperso­nate ng celebrity contestants ang magaga­ling na singers. Hindi lang kami sure kung puro foreign singers ang ii-impersonate nila o papayag ang En­demol na pati iconic local singers ay gayahin din ng contestants.

Ipinakita na ang teaser ng show sa trade launch ng new shows ng ABS-CBN para sa advertisers at mainit ang naging pagtanggap ng advertisers sa Your Face Sounds Familiar.

Jean may bagong resto na naman

Akala namin, naka-enroll sa culinary school si Jean Garcia kaya naka-chef uniform sa pinost niyang picture sa Instagram (IG). Iyon pala’y nasa kitchen siya ng bagong bukas niyang restaurant na tinawag niyang Jean’s Kitchen Manila. Masarap magluto si Jean, tiyak magugustuhan ng mga ka­kain ang menu sa resto niya.

Sa mga gustong tikman ang luto ni Jean at gus­tong makita ang kanyang resto, ang address ay The Garden Soliven II, Guatemala St., Loyola Grand Villas, Quezon City.

Sa loob mismo ito ng Loyola Grand Villas, kaya hindi mahirap hanapin.

Pareho na sina Jean at Mel Martinez, gumaga­nap na pinsan at best friend niya sa The Half Sisters na may resto. Si Mel ay may Cucina ni Bunso at ‘pag walang taping, siya mismo ang nagluluto sa order ng diners. Nasa Tomas Morato ang resto ni Mel na masarap ang food at maganda ang decor.

Hindi bago kay Jean ang magkaroon ng resto dahil minsan na siyang nagkaroon ng resto bar sa may T. Morato. May beauty salon din siya sa may Balete na sad to say, parehong hindi tumagal ang negosyo niya. Siguro naman magiging successful na ang kan­yang Jean’s Kitchen Manila lalo na kung masarap ang food.

Bela malaya na sa Kapuso?!

Viva artist na pala si Bela Padilla, hindi na yata ito nag-renew ng kontrata niya sa GMA Network at sa halip, sa VAA o Viva Artist Agency pumirma ng kontrata. The last time na nakita namin siya sa GMA-7 at kumustahin kung may bago siyang soap, “wala” pa ang sagot nito dahil hinihintay niyang mag-expire ang kontrata. Aayusin daw muna niya ang kontrata bago mag-renew.

vuukle comment

ALBAY

ALBAY TOURISM

GARY V

JEAN

KITCHEN MANILA

LOYOLA GRAND VILLAS

SHY

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with