^

PSN Showbiz

Xian depressed, dalawang araw nang hindi nagpaparamdam sa social media

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Dalawang araw nang inactive ang social media accounts ni Xian Lim buhat nang pumutok ang isyu ng pagsusuplado niya sa Fiesta Tsinoy ng Albay noong February 19.

SCENE: Biktima si Xian Lim ng mga basher sa kanyang Instagram account. May dahilan upang dumanas ng depression si Xian.

SEEN: Ngayon ang 20th anniversary show ng ASAP sa Mall of Asia Arena. Invited sa pagdiriwang ang mga original host ng Sunday noontime program ng ABS-CBN.

SCENE: Ipagdiriwang ngayon sa Sunday All Stars ang 65th anniversary ng GMA-7. Ang 65th anniversary celebration ang itatapat ng GMA-7 sa 20th year sa telebisyon ng ASAP.

SEEN: “The Lord will deliver him into my hands” ang sagot ni Congressman Manny Pacquiao sa statement ni Floyd Mayweather, Jr. na siya ang 48th boxing opponent na tatalunin ng American boxer.

SCENE: Malaking balita sa buong mundo ang official announcement na magaganap ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa May 2 sa Las Vegas, Nevada.

SEEN: Nangako si Floyd Mayweather, Jr. sa boxing fans na gagawa sila ni Manny Pacquiao ng kasaysayan sa May 2. Ginaya rin ni Mayweather, Jr. ang ginawang paglalabas ni Pacquiao ng kopya ng signed contract ng kanilang laban.

vuukle comment

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

FIESTA TSINOY

FLOYD MAYWEATHER

LAS VEGAS

MALL OF ASIA ARENA

SUNDAY ALL STARS

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with