^

PSN Showbiz

Kuya Germs hindi na dadalhin sa Amerika, baka raw lalong ma-stress kung ilalayo sa showbiz

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Buti naman at nakumbinse ang pamilya ni Kuya Germs na huwag nang ituloy ang balak nilang pagdadala sa Master Showman sa abroad para sa thera­py nito.

May nagpayo sa kanila na maraming magagaling na therapist ang bansa na makakatulong sa mabilis na paggaling ng TV host. Sa pananatili ng bansa, mas  mabilis ang magiging paggaling ni Kuya Germs na  kahit sa kalubhaan ng kanyang karamdaman ay hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang maraming nangangailangan ng kalinga niya.

Tama lang  na  huwag muna siyang patanggapin ng bisita  pero, ‘yung ilayo siya completely sa mundo na nagpaligaya at nagpapaligaya sa kanya ay baka lalong magpa-stress at makasama sa kanya.

Kris at AiAi pinag-aaway na naman

Sa halip na mabuong muli ang isang nawasak na friendship, tila balak ng maraming tagasubaybay nina AiAi delas Alas at Kris Aquino na i-revive ang away ng dalawa sa pagsasabing ginawa lamang ni Kris ang pakikipagbati niya sa dating kaibigan dahil sinabi lang ni Mayor Herbert Bautista.

For wahatever reason meron si Kris sa ginawa niya, hindi ba dapat ay magbunyi na ang tagahanga nilang dalawa at huwag nang hanapan pa ng butas ang ginawa ni Kris?

Basta ang mahalaga ay bati na sila at magandang  panahon ito para maibalik nila ang kanilang friendship.

Jennylyn pinipilahan ng manliligaw

Hindi sa Best Actress lang sinuwerte si Jennylyn Mercado, mukhang pinupupog din siya ng manliligaw ngayon.

Hindi pa man napapatunayan ang sinasabing reconciliation nila ni Dennis Trillo, o ang patuloy na pagli-link sa kanila ni Derek Ramsay at ni Mayor Erap Estrada,  heto at may bago na namang ini­rereto sa kanya, si Raymart Santiago na una nang nagsabi na hindi pa siya handa dahil binubuo pa rin niya ang kanyang sarili. Si Jennylyn din naman ay hindi rin handa sa pakikipagrelasyong muli at ang pagtanggi niya ang nagsisilbing imbitasyon para magkakulay ang kanyang lovelife. Come on kasi  sa mga lalaki ‘yung pagiging hard to get ng babae.

“Hindi ako nagpapa-hard to get. Pero, talagang hindi naman totoo ‘yung mga nababalita, Hindi ko nga alam kung saan nila nakukuha. Naiinis ako pero, ayaw kong pansinin, gusto ko na lang dedmahin,” anang Kapuso actress.

Olive C walang tigil sa promo

Mukhang swak ang post Christmas party na ibini­bigay ng Psalmstre ni G. Jaime Acosta sa press. Ginaganap ito sa unang linggo ng Enero at malaking bentahe para sa kumpanya na gumagawa ng mga sabong pampaputi (New Placenta at Olive C para sa maselang balat ng mga kabataan). Naisasabay na rin ang promosyon ng dalawang sikat na sabon na tinatangkilik na rin  ng mga Arabo. Longest running ‘yung promo para sa New Placenta at ang taunang Mr. & Ms. Olive C search na inoorganisa ng CREWorks Asia para sa sabong Olive C.

Sinamahan si G. Acosta sa kanyang event ang mga endorser ng New Placenta na sina Stephany Stefanowitz at June Macasaet, ang mga kasalukuyang Mr. & Ms Olive C na sina Ryan Paul Artienda at GMA talent Ashley Ortega at ang 2013 Olive C grand winner at ngayon ay brand ambassadress na si Chelsea Starling.

 

vuukle comment

ASHLEY ORTEGA

BEST ACTRESS

CHELSEA STARLING

DENNIS TRILLO

KUYA GERMS

NEW PLACENTA

OLIVE C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with