^

PSN Showbiz

Kaya pala hiniwalayan, young actor nasakal sa sobrang duderang young actress!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ms. GPS. Ganu’n pala ang tawag ng kanilang mga kasamahang artista nu’n sa isang young actress na handang magbuwis ng kanyang buhay sa sobrang pagmamahal sa kanyang karelasyong young actor.

Daig pa raw kasi niya ang GPS (Global Positioning System) nu’n kung makatugaygay sa mga galaw ng kanyang boyfriend. Hindi puwedeng mag-imbento lang ng kuwento ang young actor kung saan ito nanggaling dahil alam na alam ‘yun ng kanyang girlfriend.

Dudera kasi ang batang aktres, sobrang selosa, galit na galit siya kapag nababalitaan niyang may ginawa o may pinuntahan ang kanyang boyfriend na hindi sinasabi sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng minsan nga e, na-guilty ang isang young actor dahil sa isang napakaliit lang na comment na sinabi niya kay young actress. Hindi niya alam na ‘yun pala ang naging dahilan nang matinding away ng magkarelasyon niyang kasamahan.

“Simple lang, nu’ng magkita sila sa hallway ng network nila, e sinabi ng young actor, ‘Uy, ang ganda ng katawan ngayon ni ____(pangalan ng boyfriend ni young actress), bagay na bagay sa kanya.’

“Instead na magsabing oo nga, e, naaligaga agad ang girl, ‘Bakit, saan kayo nagkita? Kailan? Sino ang kasama niya?’ Ganu’n lang ‘yun.

“Tinawagan niya agad ang boyfriend niya, sinita agad, ‘Bakit ka nagpunta sa ____(pangalan ng isang coffee shop) nang hindi ko alam? Sana, sinabi mo man lang sa akin na pupunta ka pala du’n?

“Nabuwisit na siguro ang BF niya, kaya ang sabi sa kanya, ‘OMG! Pati ba naman pag-inom ko ng coffee, kailangan ko pang ipagpaalam sa iyo? Lagyan mo na lang kaya ako ng tali sa leeg ko, para hindi ako mawala sa paningin mo?’

“Ganu’n na ganu’n ang girl, hanggang sa isang araw, nagdesisyon na si lalaki na makipagkalas. Masyado na kasi siyang hinahawakan sa leeg ng girl. Sobrang dudera, masyadong selosa!

“E, ang girlfriend niya ngayon, may tiwala sa kanya, hindi tanong nang tanong, hindi selosa, super-secure ang girl, saka may laman ang katawan at hindi puro buto-buto na tulad ng ex niya!” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Ubos!

Dingdong at Marian ayaw tantanan ng hagupit pagkakasal

Nakakatikim ngayon ng hagupit mula sa mga netizens ang mga bagong kasal na na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kahit pa totoo namang parang prinsesa habang lumalakad sa altar si Marian at parang prinsipe naman ang nag-aabang na groom ay meron at meron pa ring kokontra sa kanila.

May isang nagkomento, “Royal wedding? E, ni hindi nga marunong magsalita ng English ang bride?” Napakasakit naman nu’n. Para namang lumalabas na kapag hindi marunong mag-Ingles ang isang tao ay puwede nang burahin ang iba pang magagandang katangian niya.

At para bang pinalalabas ng iba na kapag hindi marunong gumamit ng lengguwahe ni Uncle Sam ang tao ay malaking kapintasan na ‘yun. Kung sana’y nagpapanggap si Marian, kung sana’y hindi siya Pilipino. Kung sana’y malaking krimen na ang hindi pag-Ingles.

At ang pinakahuli, ang pagpo-post sa Instagram ng kanilang mga loyalista sa halaga ng Rolex watch na iniregalo ni Marian kay Dingdong bago sila ikinasal, mahigit na isang milyong piso ang presyo ng relo.

Kung anu-anong pintas na naman ang inabot ng mag-asawa, na para bang sila ang nagmayabang na i-post ‘yun, samantalang wala nga silang kaalam-alam tungkol sa paglabas ng presyo ng mamahaling relo?

Totoong hindi napapanahon ang paglalabas ng presyo ng relo, maraming kababayan natin ang nagdarahop ngayon lalo na ang mga naging biktima ng bagyo, pero sina Dingdong at Marian ba ang kailangang pupugin ng iba tungkol du’n?

Hindi naman sila ang naglabas ng presyo, walang kahit anino lang ng pagyayabang mula sa mga bagong kasal, pero bakit sila ang pinag-iinitan ngayon?

Nakakalungkot naman.

 

vuukle comment

BAKIT

DINGDONG DANTES

GANU

GLOBAL POSITIONING SYSTEM

ISANG

LANG

MARIAN RIVERA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with