^

PSN Showbiz

Ogie magpa-Pasko kapiling ang apat na babae sa buhay niya!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Bukas, Sabado na ang lipad nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at anak nilang si Nate for Australia para roon mag-celebrate ng Christmas with Ogie’s daughters Leila and Sarah. Makakasama rin nila sa Pasko sina Michelle van Eimeren at ang husband nitong si Mark Morrow.

Sa December 29 ang balik nina Ogie dahil ninong at ninang sila sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Dec. 30 at si Nate ay isa sa mga batang lalaki na magdadala ng crucifix sa altar.

Sa Dec. 31, isa si Ogie sa TV5 talent na magho-host at magpi-perform sa New Year countdown ng network na gagawin sa Quezon City Memorial Circle.

Tama lang ang bakasyon nina Ogie at Regine dahil magiging busy sila next year sa kani-kanyang concert. Magiging busy din si Ogie sa OPM musicfest na hindi natuloy last Dec. 6 dahil sa bagyong Ruby.

Sabi, sa January 10, 2015 na gaganapin ang OPM musicfest at sa Jan. 31, ang major concert ni Ogie na gagawin sa Philippine Arena. After Chris Brown, si Ogie ang magko-concert sa malaking coliseum. Ayaw pang ipaalam ang title ng concert at ibang details.

Si Regine naman, kasama sina Martin Nievera, Lani Misalucha, and Gary Valenciano ay may two-night Valentine concert billed Ultimate. Gagawin ito sa MOA Arena sa February 13 and 14, 2015 at makakabili na raw ng tiket.

Alonzo galit kay Jennylyn Mercado

May sugar overload siguro si Alonzo Muhlach dahil hindi ito napapagod. Sa last presscon ng My Big Bossing, tumigil lang sa kaiikot nang interbyuhin ng TV crew at noong Q&A portion na. The rest of the presscon, lagi itong on the move at panay pa ang sayaw.

Nabanggit pala ni Vic Sotto na sa December 2015, tiyak na may malaking improvement na sa acting si Alonzo, may mga kasunod na itong project after My Big Bossing at magandang experience ito sa bagets.

Ibig sabihin, kasali uli si Alonzo sa pelikula nina Vic at Ryzza Mae Dizon sa 2015 MMFF.

Sa presscon, nabanggit ni Alonzo na ayaw niyang tinatawag siyang Alfonso dahil hindi ‘yun ang pangalan niya, kundi Alonzo. Kaya yata nagka-isyu na nagalit ang bagets kay Jennylyn Mercado nang mag-guest ang aktres sa The Ryzza Mae Show dahil Alfonso ang itinawag sa kanya. Pati sa Instagram(IG) ni Jennylyn, hindi siya sure sa name ng bagets dahil “Alonzo/Alfonso” ang isinulat ng aktres.

Magalit din kaya si Alonzo sa gumawa ng poster ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 dahil sa poster nila ni Mona Louise Rey, “Mulach” ang apelyedo niya at kulang ng “H”? Pero naitama naman ito sa poster ng buong cast.

Philpop tumatanggap na ng entries para sa 2015

Masaya ang launching ng 2015 Philpop dahil parang nagkaroon ng biglaang songwriting workshop si Mr. Ryan Cayabyab na Executive Director ng Philpop.

Sinubok niya ang husay sa pagsulat ng kanta ng entertainment press. At novelty ang kinalabasan ayon kay Jungee Marcelo dahil sa lyric na “Chalap, chalap bibingka pahingi ng ‘yung bibingka para Pasko ay sumaya.”

Anyway, in-announce ni Mr. C na bukas na at tumatanggap na ng entries para sa 2015 Philpop simula noong December 15 at ang deadline nito ay sa February 28 next year. Open sa lahat ang contest na ang finals ay sa July 2015, kaya sali na.

Ang the Manny V. Pangilinan group of companies ang nasa likod ng Philpop Music Festival na ang isa sa objective ay panatilihing masigla ang OPM sa pamamagitan ng mga bagong compositions.

For more details, updates and mechanics of the contest, log on to www.philpop.com.ph and follow @philpopmusic on Twitter, or like the Philippine Popular Music Festival on Facebook.

vuukle comment

AFTER CHRIS BROWN

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANG THE MANNY V

DAHIL

JENNYLYN MERCADO

MY BIG BOSSING

OGIE

PHILPOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with