^

PSN Showbiz

Jericho nahirapang makipaglaplapan kay Mercedes Cabral

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nahirapan daw si Jericho Rosales sa paggawa ng intimate scenes nila ni Mercedes Cabral sa pelikulang Red para sa Cinema One Originals. “’Yung last scene ko sa pelikula, ‘yun ‘yung may love scene kami ni Mercedes. Kasi awkward talaga ako ‘pag sa love scene eh. Tawa kami nang tawa do’n sa set. Lima lang kami do’n pero tawa kami nang tawa, mahirap siya gawin. Kailangan artistic pagkagawa mo, tapos may love, may feeling, madaming nanonood, mainit. Hindi talaga siya perfect. May nanonood, may nakikinig sa labas, may gustong mangboso, ‘yung mga gano’n,” natatawang pagdedetalye ni Jericho.

Naiba na raw ang pananaw ng aktor ngayon sa kanyang trabaho dahil hindi na siya nag­hahangad magkaroon ng award para sa lahat ng ginagawa niya. “Tinanggal ko ‘yung gano’ng mentalidad pagdating sa projects kasi nakaka-pressure lang ‘yun. It’s actually mali na nag-start ka gumawa kasi gusto mo manalo ng award, and then you lose the fun. Mawawala ‘yung joy kasi para kang nanganganak ng disappointment because ‘pag nabuntis ka ng expectation and then nanganak ng disappointment, ang hirap di ba,” makahulugang pahayag ng aktor.

Yeng walang balak ipagpalit ang career sa magiging asawa

Wala raw balak tumigil sa kanyang singing career si Yeng Constantino pagkatapos ng kanilang kasal ni Victor Asuncion na gaganapin sa February 14, 2015. “Wala po akong planong mag-lay low sa aking career as a musician dahil ito po talaga ang gusto kong ginagawa. Kaya sa mga tagasuporta ko po na iniisip nila na baka mawala na si Ate Yeng or si Yeng na hindi na kakanta, hindi po ‘yun mangyayari. Kasi ito po talaga ang passion ko, ang music at mahal ko po talaga ang mga sumusuporta sa akin. Hanggang mahal nila ako at hangga’t gusto nila na gumawa ako ng music, I will just be here, kahit na may baby na ako,” paliwanag ni Yeng.

Ayon sa singer ay sunud-sunod na raw ang mga biyayang kanyang natatanggap mula nang makarelasyon si Victor. “Sobrang marami pa pong biyaya sa life ko sa totoo lang. Hindi ko po akalain, parang ten times ‘yung biyaya sa life ko and that is how I see it and ‘yung parang faith ko right now na habang tumatagal, we will just be more blessed. Ayaw ko na tingnan na gano’n. Kasi maha-hassle ka lang, magiging negative lang ‘yung feeling mo, kapag napunta ‘yung negative sa emotions mo, magiging negative rin ‘yung mangyayari sa life mo,” nakangiting pahayag ni Yeng. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ATE YENG

CINEMA ONE ORIGINALS

JERICHO ROSALES

KASI

MERCEDES CABRAL

VICTOR ASUNCION

WALA

YENG

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with