^

PSN Showbiz

Bimby ayaw nang sumamang gumala sa inang si Kris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang artista sa Praybeyt Benjamin 2 si Bimby Aquino Yap dahil co-producer din siya. Nabanggit ni Kris Aquino na ‘yung talent fee na dapat ibabayad ng Star Cinema sa anak ay isinosyo nito sa pelikula. Pareho silang co-producer ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila.

Nakakatuwa ang kuwento ni Kris tungkol kay Bimby. Tuwing niyayaya raw nito ang anak lumabas ‘pag Linggo ay nagbe-beg off ito at sinasabing pagod daw siya sa shooting. “I’m so tired Mama I just want to rest,” daw ang dialogue ng bagets.

Very proud din si Kris sa anak na si Josh dahil inako nito ang pagbili ng sleepwear na gagamitin ni Bimby sa shooting dahil hindi na niya magawa sa busy schedule niya. Sobrang thankful si Kris na mababait ang kanyang mga anak.

May cameo si Kris sa Praybeyt Benjamin as the mistress of Richard Yap’s role, inakit niya si General (Ri­chard), naging anak nila si Bimby na iniwan din niya kay General.

Bakit hindi ang BF na si Sef?

Mikael taga-check ni Andrea kung sexy na ang katawan bago sumalang sa pictorial

Kahit saludo ay siguradong may halong inggit ang ibang kaibigan ni Sef Cadayona dahil sa sexy cover ng GF nitong si Andrea Torres sa December issue ng FHM. Isang aktor ang nakausap namin na seksing-seksi kay Andrea ang nagsabing hindi siya bibili ng magasin dahil friend niya sina Andrea at Sef at hindi maiiwasang magkamalisya siya ‘pag hawak na ang magasin.

Sa Zambales ang pictorial ni Andrea under Doc Marlon at ang original plan, eight layout lang ang gagawin na naging 16 layout. Kita ang hubad na likod, nasisilip ang left boobs at puwet ni Andrea sa cover ng magasin na naka-thong lang.

Nipplets lang ang nakatakip sa boobs niya, ang butt ang talagang ipinakita ng aktres at fist time ng magasin na sa halip na frontal ay sa butt nag-focus. Hindi maiwasang ikumpara si Andrea kay Kim Kardashian na puwet din ang ipinakita sa cover nito sa Paper Magazine. Ang kaibahan, hindi na-bash si Andrea unlike Kim.

Biglaan ang desisyon ni Andrea na mag-cover sa FHM dahil umayaw pa ito noong nasa presscon ng Ang Lihim ni Annasandra. Nag-diet siya prior to the pictorial kaya pumayat ito nang husto at tagumpay ang ginawa nito dahil super sexy siya sa cover ng men’s magazine.

Kabilang si Mikael Daez sa nakaalam na magpi-pictorial si Andrea sa FHM. Ito ang taga-check kung sobra na siyang payat at taga-remind na dapat siyang magdagdag ng timbang. Maganda ang samahan ng dalawa kaya successful ang loveteam nila.

Singer na retokada raw dawit sa mga paninira kay Julie Anne

Hindi pumapatol sa bashers si Julie Anne San Jose, pero ang producer ng concert niyang Hologram na si Robby Tarroza ang hindi nakapagpigil at sina­got ang bashers ng dalaga.

Hindi lang namin alam kung sino ang tinutukoy ni Robby sa tweet niyang “Baka gusto n’yo ibulgar ko lahat ang plas­tic surgery na ipinagawa ng idol nin­yo, baka magalit kayo! Julie Anne has never had plastic surgery.”

Sino kayang idolong aktres ang ti­nukoy ni Robby? Pero bakit kailangan siyang idamay? Para walang nega sa concert, dedmahin na lang niya ang bashers at gawin ang ipinangako sa fans ni Julie Anne na isang world class concert ang ibibigay sa tulong ng director na si Louie Ignacio.

Sa December 13, sa SM MOA Arena ang Hologram concert at guests sina Christian Bautista, Sam Concepcion, Frencheska Farr, at Abra. In fairness, maraming Kapuso stars ang tumutulong na i-promote ang concert.

Pagkasunog ng storage cage ng condo nina Yasmien kilala na ang salarin

Kasambahay ng katabing condo ang dahilan ng pagka­sunog ng storage cage nina Yasmien Kurdi. Nakita sa CCTV na nanigarilyo ito at hindi pinatay ang upos kaya nag­kasunog. Hindi na siya inireklamo at idinemanda ng aktres.

Kabilang sa nasunog ang important papers at baby pictures ni Yasmien, ang ipinagpapasalamat nito, walang nasaktan. Mabilis itong nakapag-let go sa nangyari at nanood pa ng sine with her husband.

Dumating din si Yasmien sa mall show ng Yagit sa Lemery, Batangas last Sunday at pagkauwi pa siguro nalinis ang storage cage nila na nasunog.

 

vuukle comment

ANDREA

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

BIMBY

CHRISTIAN BAUTISTA

DOC MARLON

JULIE ANNE

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with