^

PSN Showbiz

Maja araw-araw nagpapasalamat na naging BF si Gerald!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon ang magkasintahang sina Gerald Anderson at Maja Salvador. Mapapanood ang dalawa sa Christmas special offering ng Kapamilya network na Give Love on Christmas Presents: Gift of Life. Maayos na maayos ang relasyon nina Gerald at Maja dahil ginusto nilang maging pribado ito. “Ayaw namin lagyan ng maraming sikreto at pressure, basta ini-enjoy lang namin. At being an inspiration to each other siguro, ‘yun na ‘yon, be a gift of life to each other,” makahulugang pahayag ni Gerald. “Everyday, maganda naman na tuwing makikita ko siya at magpaparamdam siya eh isang magandang regalo ‘yon para sa akin. Everyday, nagpapasalamat ako na dumating siya sa buhay ko,” nakangiting pahayag naman ni Maja.

Matatandaang sinabi ng aktres at ng binata noon sa kanilang mga pahayag na hindi sila sang-ayon pareho na magkasama sa isang proyekto. Pero ngayon ay nasasabik na raw mag-taping nina Gerald at Maja para sa nasabing programa at ito rin daw ang magsisilbing regalo nila sa kanilang mga tagahanga. “Ilang beses ko nang sinabi ‘yon sa mga interview (na ayaw niyang makatrabaho si Maja) pero para sa Pasko at ang ganda talaga ng kwento, ang ganda ng lahat. Tapos first time namin magsasama, so lahat nandoon na para sa inyo,” giit ni Gerald.

JM, may ginagawa na namang nagpapa-‘High’

Malaki ang pasasalamat ni JM De Guzman dahil muli siyang nakabalik sa show business matapos mawala ng isang taon sa sirkulasyon dahil sa isyung may kaugnayan sa droga. Ngayon ay bahagi ang aktor sa teleseryeng pinagbibidahan ni Piolo Pascual na Hawak Kamay. “Malaking opportunity siya sa akin para maipakita ko na I’m ready to work again. ‘Yung mabigyan ako ng challenging role. Una si Piolo, nakaka-starstruck, gwapings. Ang hirap i-overcome ng first few days, nai-starstruck ako na isa sa hinahangaan ko ay kaeksena ako, at malaking eksena ang ginagawa namin, hindi ‘yung simple lang. So nao-overwhelm ako,” nakangiting pahayag ni JM.

Ayaw na raw maulit ng binata ang mga nagawa niyang kama­lian noon kaya naman iginugugol na lamang ng aktor ang kanyang panahon sa iba’t ibang uri ng sport kapag wala siyang trabaho. “Sobrang happy pero nag-iingat po ako na sana ay ma-maintain ko at madagdagan pa ‘yung project. Not to commit the same mistakes para mawala ulit. Kapag wala po akong trabaho, nasa gym lang ako, nagbo-boxing, wrestling, muay Thai at punta ng U.P. para tumakbo. May certain high akong nakukuha doon sa pagiging sporty,” pagtatapos ni JM.

Sa nalalapit ng pagwawakas ng Hawak Kamay ay umaasa raw ang aktor na muli siyang mabibigyan ng bagong proyekto sa bakuran ng ABS-CBN.     Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

AYAW

CHRISTMAS PRESENTS

DE GUZMAN

GERALD ANDERSON

GIFT OF LIFE

GIVE LOVE

HAWAK KAMAY

MAJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with