^

PSN Showbiz

TV-movie na Halik sa Dilim ni JC, Halloween presentation ng TV5

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pamilyang nagpipilit na muling mag­simula sa kanilang bagong tahanan ang ma­lalagay sa bingit ng kamatayan mula sa isang obsessed at mapaghiganting multo.

Ito ang madilim na istorya ng horror-suspense thriller na Halik sa Dilim, ang special TV-movie Halloween presentation ng Kapa­tid Network na eere sa Huwebes, Oktubre 30, 7:00 p.m. Sa direksyon ni Argel Joseph, tampok sa original film offering na ito ng TV5 sina JC De Vera, Helga Krapf, at Nadine Samonte, kasama sina Dang Cruz, Mariel Ponte, Jace Flores, Gio Alvarez, Cita Astals, at LJ Moreno. 

Ang Halik sa Dilim ay tungkol sa isang batang doctor, si Jimuel (JC De Vera), na makikilala ang maganda at mapang-akit na si Mercedes (Helga Krapf) sa isang medical mission. Magkakama­ling mahulog ang damdamin ni Jimuel sa pang-aakit ni Mercedes, na isa palang multo na pilit guguluhin ang buhay ng asawa ni Ji­muel na si Charlotte (Nadine Samonte) at ng kanilang anak na si Caroline (Mariel Ponte) upang mapasakanya si Jimuel.

Saan hahantong ang mga makatindig-balahibong panggugulo at pagtatangka ni Mercedes sa buhay ng mag-inang Charlotte at Caroline? Maililigtas kaya ni Jimuel ang kanyang mag-ina mula sa nakaambang panganib o habang buhay na lamang syang maaangkin ng multong si Mercedes?

Huwag palagpasin ang exclusive one-time airing ng Halik sa Dilim sa October 30, 7 p.m. sa TV5.

 

 

vuukle comment

ANG HALIK

ARGEL JOSEPH

DE VERA

DILIM

HELGA KRAPF

JIMUEL

MARIEL PONTE

MERCEDES

NADINE SAMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with