^

PSN Showbiz

Tama na raw na lalaki ang kaluluwa niya Charice walang planong magpalagay ng lawit

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala naman palang planong magpalagay ng lawit si Charice kahit aminado siyang lalaki na ang kaluluwa niya.

Ito ang isa sa mga sinagot ng singer sa interview sa kanya ng kanyang ninang Oprah Winfrey sa Oprah: Where Are They Now.

“Not exactly transitioning to a male, but basically my soul is like male,” paliwanag ni Charice sa tanong ng kanyang ninang Oprah sa interview.

“But I’m not going to go through that stage where I’m going to change everything - not change my body.

“I would change, like, this look: Cut my hair and wear boy clothes and everything, but that’s all.”

Last year lang umamin na lesbian si Charice at nang huli siyang mag-guest sa show ng kanyang ninang Oprah ay girl na girl pa ang pino-project niya, eh limang taon pa lang pala siya, iba na ang nararamdaman niya ‘pag nakakakita siya ng babae.

“I knew when I was 5. I was in grade school and I saw this girl and I felt different.

“I didn’t know what it was but I just knew that time, like it felt special. And when I was 10 I was like, “Oh, that’s it. I’m gay.” I found the word.”

Sa Mail Online lumabas ang nasabing interview ni Charice sa kanyang ninang Oprah (ninang sa kumpil).

Actress gamit na gamit ang Instagram para makatipid

Kung nakakapagsalita lang siguro ang photo sharing site na Instagram, malamang natalakan na niya ang isang TV host sa sobrang pananamantala. Kasi ba naman si TV host, walang ibang ginawa kundi magpasalamat sa mga nagbigay sa kanya ng damit, sapatos, bag, pagkain, at kung anik-anik pa. Mula ulo hanggang paa yata, libre na si TV host dahil sa rami nang nagbibigay kaya wala naman siyang kapaguran sa pagpapasalamat.

Siguradong hindi na rin siya nagsu-supermarket dahil lahat ng kailangan niya nalibre niya na.

Kaya tinantanan ko na siya sa pagpa-follow dahil parang nakaka­suya na ang kanyang pasasalamat.

Maraming artista naman ang nagpapasalamat sa mga nagbibigay sa kanila. Pero hindi naman ‘yung lahat na lang pasasalamat sa mga nag-sponsor sa kanya ang laman ng kanyang Instagram.

Frencheska kering-keri nang mag-concert sa malaking venue

Kering-keri nang mag-concert sa mas malaking venue ang Kapuso singer na si Frencheska Farr. Last Thursday ay pinanood namin ang anniversary concert niya, limang taon na siya sa showbiz, sa Teatrino at in fairness mahusay niyang nairaos ang nasabing concert. Para sa fans ang nasabing concert kaya libre ito. Bukod sa fans, dinagsa rin ito ng mga kasamahan niya sa GMA Artist Center.

Bukod sa mahusay na singer, nakakasayaw din ito at nakaka-compose ng kanta. Ang title ng kantang Let My Fire Out na composition niya ay siya ring title ng kanyang anniversary concert.

Naging guest niya sina Christian Bautista and Julie Anne San Jose.

Produkto ng reality talent search na Are You The Next Big Star ng GMA si Frencheska.

Three years ago ay nagbida na si Frencheska sa musical movie na Emir. Pero hindi na gaanong na-push ang pagiging singer niya dahil umakting na rin siya kaya parang nagkakaroon ng confusion kung isa nga siyang singer o actress.

Comment ng ibang nanood ng concert, sana ay mai-push ang singing career ni Frencheska at pag na-establish na lang, saka balikan ang pag-arte.

Sobrang payat ni Frencheska kaya maganda siyang magdala ng damit. Pero may ilang suot siya na hindi gaanong bumagay sa kanya.

Kasama nga pala sa mga sumuporta sa concert ni Frencheska sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Bela Padilla, Miguel Tanfelix, Enzo Pineda with non-showbiz girlfriend, at marami pang iba. Nakisayaw din naman sina Rocco Nacino at Mark Herras sa stage.

Kuya Germs hinabul-habol ng mga kapamilya para magpa-picture

Naaliw ako sa eksena nang paalis na si Kuya Germs (Moreno) sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN last Friday before pa mag-start ang presscon ng Beauty In A Bottle. Suki kasi si Kuya Germs sa mga presscon ng mga pelikula ng Star Cinema at nauuna si Kuya Germs usually na mag-interview.

Since siguro may next lakad si Kuya Germs last Friday, dahil ‘di nga agad nag-umpisa, hindi na niya nahintay ang mga artista. At nang malapit na siya sa elevator hinahabol siya ng tatlong empleyado ng Kapamilya Network, magpapa-picture daw sila. Dialogue ng isang girl, magpapa-picture siya kay Kuya Germs dahil 27 years na raw siyang nagwo-work pero wala pa siyang picture kay Kuya Germs.

Game na game naman si Kuya Germs sa picturan.

vuukle comment

CHARICE

CONCERT

FRENCHESKA

GERMS

KUYA GERMS

NIYA

OPRAH

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with