^

PSN Showbiz

John hindi pa rin nababakante

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Mauunang mag-promote ng Moron 5.2 si John Lapus dahil aalis ito para a series of shows niya sa Canada. Pagbalik niya, showing na ang Viva Films movie sa November 5,  sa direction ni Wenn Deramas na doble ang saya at katatawanan.

In character si John nang dumalo sa presscon, nakaayos bilang si Becky Pamintuan, ang patuloy na maghahanap kina Luis Manzano, Billy Craw­ford, Matteo Guidicelli, DJ Duramo, at Marvin Agustin para ipaghiganti ang ama.

Ang pagiging magkaibigan nila, box-office director, may rapport sila at open sa suggestions ang mga rason ni John kung bakit gusto niyang katrabaho si Direk Wenn Deramas. “Ate” raw niya ito mula noong nasa UST pa sila at hanggang ngayon, tinutulungan pa rin siya nito.

May isa pang movie contract sa Viva Films si John, wish niya ituloy ‘yun ni Mr. Vic del Rosario at bida siya dahil ‘yun ang nakalagay sa kontrata. Gusto ni John, si Direk Wenn ang magdirek ng launching movie niya.

Natutuwa pala si John dahil tuluy-tuloy pa rin ang projects niya. Sa November, sa five episodes ng Wansapanataym, kasama siya at sa January 2015, itutuloy na ang sequel ng Here Comes the Bride. Sinabihan na rin siyang isasama siya sa bagong teleserye ng ABS-CBN pagbalik niya from Canada.

Barbie hindi maamin ang relasyon nila ni Miguel

Sobrang tuwa ng buong cast at buong production staff ng The Half Sisters sa desisyon  ng GMA-7 management na tapusin ang Afternoon Prime sa second week ng January 2015. Ibig sabihin, may trabaho at pera sila sa Pasko at Bagong Taon, kaya naman, lalong ganadong magtrabaho ang lahat.

Hindi naman daw masyadong babagalan ang takbo ng story, in fact, malapit nang malaman ng karakter ni Jomari Yllana na si Diana (Barbie Forteza) ang tunay niyang anak.

Dahil matagal pa ang airing, may mga new cha­racters na papasok at mauuna si Gloria Romero.

Natanong na rin namin si Barbie Forteza sa ma­lakas na tsika na ang totoong ka-loveteam niya in real life ay si Miguel Tanfelix. Hindi lang daw ma­amin ng young lovers ang kanilang relasyon dahil klik ang love team nina Barbie at Andre Paras sa My Half Sisters.

Nag-iingat daw sina Barbie at Miguel, kaya sa birthday ni Miguel sa Sunday All Stars kung saan nakasama niya si Barbie sa dance number, blurred ang picture ng young actress, pero siya ang tinukoy ni Miguel kaya mas special ang birthday niya.

Katuwa ang reaction ni Barbie na itinanggi ang blurred picture niya sa tabi ni Miguel, pero halatang siya ‘yun. Itinanggi rin nitong BF niya si Miguel, friends lang daw sila, kaya madalas nagkakasama, pero pinasasalamatan nito na may fans sila ni Miguel kahit hindi pa nagkakatrabaho.

Ang ka-loveteam naman ni Miguel na si Bianca Umali, si Julian Trono raw ang special someone.

Designer na si Paul Cabral talent manager na rin

Talent manager na rin pala ang designer na si Paul Cabral dahil sa presscon ng Yagit, ipinakilala siyang manager ni James Blanco na balik-GMA-7 sa soap  na airing na sa Monday, sa Afternon Prime time slot. Kasama rin ng aktor that night ang misis niya at katabi si Paul, pinanood nila ang presscon.

Sabi ni James, hindi naging mahirap sa kanya na bumalik sa GMA-7 dahil dito siya nagsimula. Happy din siya sa role ni Victor Guison na real dad ng batang si Eliza (Chlaui Malayao) na maraming eksenang magpapakita sa husay niyang umarte.

 

AFTERNON PRIME

BARBIE

BARBIE FORTEZA

MIGUEL

NIYA

PAUL CABRAL

RIN

SIYA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with