^

PSN Showbiz

Dading mamamaalam na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Biyernes (Oktubre 10) nakatakdang magtapos ang top-rating Kapuso Afternoon prime drama series na Dading. 

Sa isang panayam, ibinahagi ng lead actor ng serye na si Gabby Eigenmann ang kanyang kasiyahan sa mataas na ratings at mainit na pagtanggap ng viewers sa programa, “It’s my first time to play a gay role na ganito kahaba tapos tinangkilik. Ang sarap ng feeling ng ganun especially when you hear people telling you how much they were touched by the show.”

Talagang sinubaybayan ng mga manonood ang programa lalo na ang tandem nina Gabby at Gardo Versoza. Kahit sa mall at regional shows ay may mga tumatawag sa kanila na Dading o Mareshki. “Gardo and I clicked right away, sobra kaming nag-enjoy sa mga role namin at never din naman kaming nagsapawan pagdating sa mga eksena. May times na kapag nasa mall ako with my family may lalapit sa akin tatanungin kung bading daw ba talaga ko o minsan naman may tumawag sa akin na ‘Si Dading, si Dading..bakla na siya!’” 

Sa pagganap ni Gabby bilang Carding, tumayong ama sa anak ni Beth (Glaiza de Castro), ay mas tumaas pa ang tingin niya sa mga gay people. “Actually, sinabi ko na ‘to dati that they have the softest heart. It’s no wonder why people enjoy being with them kasi nga aside from nagpapatawa sila, pagda­ting sa serious na usapan, they know well,” dagdag ng aktor.

Sa pagtatapos ng Dading, pakinggan pa kaya ni Car­ding ang payo ni Lexi (Gardo) na tigilan na niya ang pagmamatigas kay Precious (Zarah Mae Deligero)?  Magkaroon pa kaya ng pagkakataon na magka­ayos sina Carding, Beth, Joemer (Benjamin Alves), at Celine (Chynna Ortaleza)?

Hindi dapat palampasin ang mga kapana-panabik na mga eksena sa Dading pagkatapos ng The Half Sisters sa Afternoon prime block ng GMA.

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

CHYNNA ORTALEZA

GABBY EIGENMANN

GARDO AND I

GARDO VERSOZA

HALF SISTERS

KAPUSO AFTERNOON

NGAYONG BIYERNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with