^

PSN Showbiz

Chiz at Heart gigisahin ni Igan!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Love is in the air ngayong Miyerkules ng gabi dahil isang nakakakilig na kuwentuhan ang hatid ng Tonight with Arnold Clavio kasama ang newly engaged couple na sina Senator Chiz Escudero at Heart  Evangelista.

Ide-detalye ng dalawa ang kanilang love story mula sa una nilang pagta­tagpo hanggang sa matamis na marriage proposal ni Senator Chiz kay Heart kamakailan sa Sorsogon. Ilang detalye rin tungkol sa nalalapit nilang kasal ang ikukuwento nila. At gaya ng maraming relasyon, may ilang pagsubok din ang kanilang pinagdaanan at ibabahagi nila kay Arnold kung paano nila hinarap ang mga ito.

Hindi rin makalulusot ang dalawa sa matinik na couple game ni Igan! Mas mataas na score kaya ang makukuha nila kumpra sa ibang couples na sumalang na sa hot seat?

Malalaman na kung gaano nila kakilala ang isa’t isa, anong ‘term of endearment’ ang kanilang tawagan, sino ang Boss sa relasyon at kung anu-ano pang nakakakilig na impormasyon.

Tunghayan ang unang bahagi ng two-part special interview na ito sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules ng gabi, 10:15pm, sa GMA News TV.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

EVANGELISTA

IGAN

ILANG

MALALAMAN

MIYERKULES

SENATOR CHIZ

SENATOR CHIZ ESCUDERO

SORSOGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with