^

PSN Showbiz

Dennis itinangging on na uli sila ni Jennylyn

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Personal na narinig ni Richard Gomez na matagal na niyang fan si Dennis Trillo sa presscon ng The Janitor. Inisa-isa ni Dennis ang movies ni Richard na kanyang napanood at kung paano siya kinabahan nang malamang makakasama niya ito.

Na-starstruck din siya nang makita niya ito sa shooting dahil in-admire niya ito dahil Adonis daw talaga at kahit lalake, ma-i-intimidate. “Sir Richard” ang tawag ni Dennis kay Goma na ang reaction ay nakahabol din siya sa edad ni Dennis.

Pareho ang dalawa na hindi naging concern ang talent fee nang tanggapin ang The Janitor, kundi ma­pasama sa isang magandang pelikula ng APT Entertainment ang fulfillment at maidirek ni Mike Tuviera. Sa October 8 ang showing ng movie na release ng Star Cinema.

Kung walang magiging problema, maggi-guest si Dennis sa Kris TV sa Monday to promote the movie. Baka may iba pang show siya sa ABS-CBN na labasan. Si Derek Ramsay, sa Eat...Bulaga magpo-promote pati ang ibang cast.

Not feeling well si Dennis sa presscon, malat ito dahil kagagaling sa taping ng Hiram na Alaala at babalik sa taping. Kahapon, first shooting day niya ng Ulam episode ng Shake, Rattle & Roll XV, busy daw siya at walang time sa love life.

Nang tanungin kung in-love siya ngayon, paulit-ulit umiling, kaya ‘yung fans nito na ayaw siyang makipagbalikan kay Jennylyn Mercado, walang dapat ikabahala.

Andrea Torres super hot para kay Emilio Garcia

Naninibago si Emilio Garcia sa role niya sa Ang Lihim ni Annasandra dahil mabait siyang asawa ni Glydel Mercado at ama ni Andrea Torres. Challenge sa kanya na ilabas ang kabutihan ng kanyang karak­ter.

Hindi naman siguro maaakusahan ng incest si Emilio sa “super hot” description niya kay Andrea na gumaganap na anak niya sa soap dahil totoo. Kahit si Cris Villonco, aminadong talo siya ni Andrea sa boobs department.

Sa Monday, October 6, ang pilot ng Ang Lihim ni Annasandra.

Samantala, walang takot si Emilio na baka balikan siya ni direk Erik Matti sa pahayag nito sa isyu nila ni Lovi Poe. Nagsalita si Emilio hindi lang dahil parehong si Leo Dominguez ang manager nila ni Lovi, kundi bilang kasama sa industriya.

Para kay Emilio, mali na sa social media naglabas ng saloobin si Direk Erik, nadamay daw ang ibang talents at paano na ang na-invest nilang samahan ni Lovi? Mali rin daw ang foul words na ginamit ni Direk Erik at sana, naging responsible ito.

Nilinaw ni Emilio na wala siyang galit sa director at sa sinabi ng press na baka hindi na siya kunin nito sa ibang movies, sagot ni Emilio, marami pang director.

Jake Vargas ngayon pa lang magkaka-kontrata sa GMA

Pipirma this Friday ng exclusive contract sa GMA Network si Jake Vargas. Ngayon lang pala ito pipir­ma ng kontrata kahit matagal ng Kapuso talent. Ka­sama na yata sa pipirmahang kontrata ni Jake ang Strawberry Lane na isa sa pambato ang love team nila ng GF na si Bea Binene.

Nalaman namin kay Kuya Germs na nag-uuwian sa Olongapo City si Jake, kahit inuumaga ng uwi mula sa taping at shooting ng Liwanag sa Dilim, umuuwi pa rin sa Olongapo. Ayaw niya itong patirahin sa bahay niya at baka gawan ng tsismis.

Golden Screen mala-talk show ang awards night

Kakaiba ang concept ng 11th Golden Screen Awards ng Enpress o En­tertainment Press So­ciety bukas ng gabi sa Teatrino dahil mala-talk show ito at si John “Sweet” Lapus ang host. Hindi lang siya taga-announce ng winners, maiinterbyu rin niya ang winners at mag­handa lang ang mai­interbyu ni Sweet at baka ma-playtime sila.

Malalaman ang winners sa different categories at sa awards night din malu-launch ang sing­ing career ng magka-love team na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia ng My Destiny at Soulmate, Soulhate episode ng Season’s of Love dahil kakanta sila.

May isa pang inimbitang sikat at mahusay na singer na aabangan na­min ang pagdating at baka samahan ng BF.

Si Ms. Susan Roces ang tatanggap ng Lino Brocka Lifetime Achievement Awards at mara­ming puwedeng itanong si Sweet sa kanya.

 

vuukle comment

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

DAHIL

DIREK ERIK

EMILIO

EMILIO GARCIA

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with