^

PSN Showbiz

Boy ‘di dapat masyadong seryosohin ang pagbabalik-trabaho

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Balik-TV na si Boy Abunda. At marami sa mga tagahanga niya at maging ng kapwa niya artista sa TV ang natutuwa dahil sa mabilis niyang paggaling. Kaya, hinay-hinay lang Boy. Mag-enjoy ka na lang.  Huwag ka nang magpakapagod. Hindi mo kailangang ma-stress. Don’t treat as a work ang pagbabalik mo. Magpagaling ka muna completely.

Kylie hindi malayong makalimutan agad si Aljur dahil kay Rayver

Bakit ba naman hindi kagigiliwan ni Kylie Padilla si Rayver Cruz, eh talaga namang napakabait at maginoo ang batang iyon. Nakita ko ang paglaki nila at alam ko kung paano sila pinalaking magkakapatid nang mabuti ng kanilang mga magulang.

Hindi ako magtataka kung maka­li­mu­tan agad ni Kylie ang ex niya dahil sa ka­baitan ng Kapamilya actor na kasama niya sa Regal movie na Dilim.

David Blaine nakakabilib ang pagdalaw Kay pacman

Imbes na si Manny Pacquiao ang humanga sa napakagaling na magician na si David Blaine ay ito pa ang pumunta ng Gensan para makita ang iniidolo niyang boksingero. Inggit na inggit nga ang kasamahan ko dito sa PSN (Pilipino Star NGAYON) na si Vero Samio  dahil hangang-hanga ito kay Blaine na napanood yata niya lahat ng palabas sa TV. Gusto ko nga siyang ilibre sa palabas nito sa Araneta Coliseum kaya lang abalang-abala ito sa kanilang Star Awards for Music. Kaya sori ka na lang, Vero.

 

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BOY ABUNDA

DAVID BLAINE

KAYA

KYLIE PADILLA

PILIPINO STAR

RAYVER CRUZ

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with