^

PSN Showbiz

Gobernador ng Marinduque galit na galit sa pelikula nina Dennis at Derek?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa sinasagot ni director Mike Tuviera ang tanong ni Derek Ramsay sa Star Cine­ma nang malamang ito ang magre-release ng The Ja­nitor sa October 8. May isyu si Derek sa ABS-CBN, hindi siya puwedeng mag-pro­mote ng movie sa shows ng network kahit co-produced ng Star Cinema at Viva Films.

Si Dennis Trillo na­bang­git na magpo-promote siya ng movie sa ABS-CBN kahit one time lang at nabanggit ang Aquino & Abunda To­night na baka dito siya mag-guest. Paano na si De­rek na malaki rin ang role sa nasabing pelikula?

Samantala, totoo ka­yang nagalit ang governor ng Marinduque kung saan gi­nagawa ang Moriones Fes­tival dahil ginamit ang mask sa festival sa poster ng movie at gamit din ng bank robbers sa mga ek­sena rito? Baka raw maging negative ang image ng province nila dahil dito.

Kiko at Kim panay ang deny kahit huli na sa akto

Nakalimutan yata nina Kiko Estrada at Kim Rod­riguez na earlier, sa presscon ng Strawberry Lane, nag-deny sila sa kanilang relasyon dahil noong magti-table hopping na sila for the interview, magka-holding hands sila. Nagbitaw lang sila sa pagho-holding hands nang tuksuhin ng press.

In fairness sa dalawa, kahit noong nasa ABS-CBN si Kiko, hindi nasira ang kanilang relasyon. Noong may pinu-promote na show si Kim sa GMA 7, sinusundo siya ni Kiko sa studio at sabay na silang uuwi.

May mga sighting din sa kanila na magkasamang kumakain sa labas o kaya namamasyal at hindi sila nagtatago sa tao. Ngayong magkasama na uli sila sa Ch. 7 at nasa isang show, masaya tiyak ang mga bagets.

Sina Kiko at Kim ang second real life couple sa cast ng Strawberry Lane dahil kasama rin sa cast sina Jake Vargas at Bea Binene.

Manolo makikigulo sa love team nina Janella at Mario

Matutuwa ang fans ng love team nina Janella Salvador at Mario Mortel sa Be Careful With My Heart  dahil may kasunod na silang show. Sila pa rin ang magkapareha sa bagong primetime teleserye ng ABS-CBN na OMG! Sa February 2015 ang airing ng show sa direction pa rin ni Jeffrey Jeturian.

Isasama sa OMG! si Manolo Pedroza ng Pinoy Big Brother (PBB) All In. Sila ang bagong love triangle ng network. Ipinakilala ang tambalang Janella at Manolo sa Maalaala Mo Kaya.

Direk Dominic tribute ang Hiram... sa mga sundalo

Hindi sundalo ang lolo at ama ni director Dominic Zapata, pero tribute niya sa military ang Hiram Na Alaala, ang bagong idiniderehe niyang teleserye sa GMA 7. Mas na-motivate siyang husayan ang pagdidirek ng teleserye nang makausap ang mga sundalong naka-confine sa Army General Hospital.

Para tama ang lahat nang gagawin, may military at medical consultant ang production, bawat galaw nila may approval ng mga ito. Mabusisi rin ang research ng production para hindi sila magkakamali.

Bukod sa Army General Hospital, nag-taping din sila sa PMA sa Baguio at sa kampo sa Fort Magsaysay at Libingan ng Mga Bayani. Mahirap daw mag-taping sa PMA dahil maraming bawal, pero maganda ang mga eksenang nakunan.

Stolen Memories ang original title ng teleserye na napalitan ng Hiram Na Alaala for marketing purposes.  

 

vuukle comment

ABUNDA TO

ALL IN

ARMY GENERAL HOSPITAL

HIRAM NA ALAALA

KIKO

SHY

SILA

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with