^

PSN Showbiz

Ara itinangging buntis si Cristine, pero atat na raw talagang magka-baby ang kapatid

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Anim na buwan na ang ipinagbubuntis ni Ara Mina, pero kaya pa niyang magtrabaho. Kaya naman ay nagti-taping pa ito ng Trenderas, ang musical program ng TV5. Nasa presscon din siya ng show na ang pilot airing ay sa September 13, 9:00 pm.

Kuwento ni Ara, sa December ang due date niya at baby girl ang kanyang isisilang. Wala pa silang maisip na pangalan dahil nahihirapang maghanap ng religious baby girl’s name na nagsisimula sa letter H. Lalong mahirap maghanap ng name na magkasama ang letter H (for Hazel, her real name) at P (for Patrick Meneses, her partner at ama ng baby niya).

Samantala, itinanggi ni Ara ang tsikang buntis si Cristine Reyes, pero ang alam niya, gusto nang magka-baby ng kanyang kapatid. Natawa ang press sa nabanggit nitong trying hard daw magka-baby si Cristine at happy ito sa BF nitong Persian.

Anyway, one hour ang pilot ng Trenderas sa Saturday at itatampok ang hit songs nina Ogie Alcasid, Apo Hikings Society, Aegis, Itchyworms, at Eraserheads. Magsi-sing-along ang viewers sa magagandang songs at magugustuhan ang story ng Trenderas.

Ginagampanan ni Ara ang role ni Diane, mother ni Lara Maigue, maganda ang role kaya tinanggap niya. Idagdag pang may cut-off siya na hindi nasusunod dahil minsan, mas maaga pa sa cut-off niya natatapos ang kanyang mga eksena.

Isa pang sorpresa ng show ang partisipasyon ni Nora Aunor sa pagganap sa role ni Celestina Cruz, isang sikat na singer na huhubog at magiging inspirasyon ng tatlong Trenderas girls na sina Lara, Katrina Velarde, at Isabelle de Leon.

Ex ni Jake bida na rin, naiilang kay Bea

Hindi alam ng press na kinakabahan si Joanna Marie Tan habang ongoing ang presscon ng Strawberry Lane dahil baka matanong sa past relationship nila ni Jake Vargas. Kahit matagal nang tapos ang relasyon nila ng BF ni Bea Binene, parang maiilang pa rin siyang sagutin ang tanong lalo’t kaharap sina Bea at Jake.

Pero sabi ni Joanna, wala silang ilangan ni Bea kahit sa first day taping at hindi nila napag-usapan si Jake. Nagbabatian din sila ni Jake ‘pag nagkikita, pero hindi na nag-uusap at wala siyang ilang nararamdaman. Hindi lang niya ini-expect na makakatrabaho ang dalawa sa Strawberry Lane dahil sa Yagit siya unang inilagay at nagulat na lang nang malamang inilipat siya.

Pagmamalaki ni Joanna, close agad sila nina Bea, Kim Rodriguez, at Joyce Ching, sabay-sabay silang kumakain, nagtu-toothbrush at pati sa pagtulog. Ang mga litrato nila sa Instagram (IG) ang magpapatotoo nito.

May gulat factor din kay Joanna ang bida role na ibinigay sa kanya dahil sanay siyang gumanap na kontrabida. Pero sa Strawberry Lane isa siya sa mga bida at malaki pa ang role, kaya tuwang-tuwa ito.

Derek at Dennis hindi makakapag-promote ng sariling pelikula

Si Derek Ramsay agad ang naisip namin nang malamang ang Star Cinema ang magre-release sa The Janitor, ang pelikulang ginawa ng aktor sa APT Entertainment at unang ipinalabas sa Ci­nemalaya. Sa October 8 ang commercial release ng movie at in-announce ang tungkol dito kahapon ni director Mike Tuviera.

May isyu sa ABS-CBN si Derek, hindi siya nakakapag-promote sa shows ng network ng mga pelikula kahit Viva Films ang producer. Paano siya magpo-promote ng The Janitor? Ibig sabihin, kung Star Cinema ang magpapa-presscon sa pelikula at kung sa ABS-CBN compound gawin, hindi makakapunta si Derek?

Si Dennis Trillo ang bida ng The Janitor, pero exclusive talent siya ng GMA 7, payagan kaya siyang dumalo sa presscon ng movie niya? Payagan din kaya siya ng GMA 7 na mag-promote ng movie sa ABS-CBN?

Hindi kaya ang mangyari nito, si Derek sa TV5 at sa Eat Bulaga magpo-promote at sina Dennis, LJ Reyes, at Ricky Davao sa shows ng GMA-7? Sina Richard Gomez, Nicco Ma­nalo, at Alex Medina ang magpo-promote sa ABS-CBN.

Carl inaming 2 taon silang nag-on ni Kris

Finally, inamin na rin ni Carl Guevarra na two years ang naging relasyon nila ni Kris Bernal, pero break na sila three weeks ago. Mutual ang desicion nilang maghiwalay thru’ text. Hindi na sila nagkita mula nang mag-break.

Sabi ni Carl na nakausap namin sa presscon ng Trenderas, walang third party sa break-up nila, may mga bagay lang na hindi nila napagkasunduan. Dahil paulit-ulit na lang, napagod na sila pareho at nag-usap na wakasan ang relasyon.

Patuloy ni Carl, kaya hindi nila naamin ni Kris ang kanilang relasyon dahil sa management ni Kris at pumayag siya dahil kailangan niyang intindihin ang ex. Sabi naman ng management ni Kris hindi sila nakikialam sa pakikipagrelasyon nito.

Malaking tulong kay Carl na may trabaho siya at thankful sa TV5 dahil after ng Trenderas, leading man naman siya ni Eula Caballero sa Almost A Princess. Ayaw muna niyang magka-GF, career muna ang focus niya kahit tinutukso siya kina Isabelle de Leon at Lara Maigue na mga kasama niya sa Trenderas.

vuukle comment

BEA

DAHIL

DEREK

JOANNA

NIYA

SIYA

STRAWBERRY LANE

TRENDERAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with