^

PSN Showbiz

Controversial actress nagpapagamit daw sa mayamang businessman na may asawa para masunod ang hobby

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Thankful si Bettina Carlos na tuluy-tuloy ang blessings sa kanyang career kaya hindi na muna siya nag-i-entertain ng mga gustong manligaw sa kanya.

Kaya nagtataka siya bakit patuloy pa rin siyang iniintriga kay Raymart Santiago, gayung wala naman daw talagang namamagitan sa kanila. Natutukso lang daw sila noon sa Villa Quintana, pero wala raw ‘yun.

Mas happy raw siya ngayon sa kanyang anak na si Gummy dahil nakakasama na ito sa ilang raket niya, gaya nitong bagong endorsement niyang Indomie Mi Goreng Instant Noodles.

PAK: Pinag-usapan ang controversial actress na nali-link ngayon sa isang mayamang businessman na halos Daddy na niya.

May pamilya pa si mayamang businessman, pero madalas na nakakasama raw ngayon ni controversial actress dahil sa isang hobby na pareho nilang nakakahiligan.

Magastos at mahirap i-maintain daw ang hobby na ito, kaya baka ginagamit lang daw ni controversial actress ang power at datung ni mayamang businessman para sa expensive hobby niya.

Hindi alam ni mayamang businessman na nali-link din si controversial actress sa isang magaling na aktor. Pero super-deny si aktor sa isyu niya kay controversial actress.

BOOM: Bukod kay Regine Velasquez, nagpahayag din ng tulong ang ibang singers para kay Eva Castillo na nakaratay sa sakit.

Si Eva ay ipinakilala noon ng GMA 7 na isa sa pinakamagaling na singers na dating tumatalo kay Regine sa mga singing competition.

Nasa Jose Reyes Memorial Hospital ngayon naka-confine si Eva dahil sa sakit sa kidney, at dinalaw siya roon ni Regine para kumustahin at bigyan ng tulong.

Malaki ang pasasalamat ng pamilya ni Eva dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakalimutan ng Asia’s Songbird.

Bukod sa inayos ni Regine ang bill ni Eva sa hospital, ang isa sa unang ginawa nito ay ipinagdasal ang kaibigang singer.

vuukle comment

BETTINA CARLOS

BUKOD

EVA

EVA CASTILLO

INDOMIE MI GORENG INSTANT NOODLES

NASA JOSE REYES MEMORIAL HOSPITAL

RAYMART SANTIAGO

REGINE VELASQUEZ

SI EVA

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with