^

PSN Showbiz

Cristine nag-walk out nang walang prenong tanungin kung buntis!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi sinagot ni Cristine Reyes ang tanong na hindi niya nagustuhan nang dumalo siya sa premiere night ng The Gifted noong Martes. Understandable ang reaksyon  ni Cristine dahil hindi niya inaasahan ang question na intriguing. Ang buong akala ni Cristine, tungkol sa The Gifted ang mga itatanong sa kanya

Eh bigla siyang tinanong ng “Buntis ka raw?”
Sa totoo lang, rude ang pagtatanong kaya may reason si Cristine na maging rude at talikuran ang nagtanong. Hindi ko pa alam kung sino ang nagtanong kay Cristine.

Sana, hindi siya naging straightforward sa pagtatanong as in bumusina muna siya o nagpasintabi. Tao lang si Cristine na marunong ma-offend sa mga hindi kanais-nais na tanong.

Anne ang sipag mag-promote ng The Gifted

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang The Gifted ng Viva Films.

Super-promote si Anne Curtis sa social media at sa It’s Showtime  sa pelikula nila nina Cristine at Sam Milby.

Hindi nakaligtaan ni Anne na i-remind sa mga nagbabalak na manood ng The Gifted na hintayin na matapos ang closing credits para sa surprise ending ng pelikula.

Hindi makukumpleto ang satisfaction at happiness ng mga manonood kapag pinalampas nila ang sorpresa ng katapusan ng The Gifted.

Ipe abswelto sa Supreme Court

Nabawasan ang problema ni Phillip Salvador dahil inabswelto siya ng Supreme Court sa estafa case na demanda sa kanya ni Cristine Decena.

Palagi kaming nagkikita ni Ipe sa PNP Custodial Center sa tuwing dinadalaw namin sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada pero wala siyang nababanggit tungkol sa kaso niya.

Marami ang natuwa para kay Ipe, ang mga tao na hindi naniniwala na capable siya na manloko ng kapwa, lalo na kung may kinalaman sa datung ang isyu.

Hindi pa kami nagkakausap ni Ipe pero sure ako na maligayang-maligaya siya sa naging desisyon ng Supreme Court. Tiyak na magkikita kami ni Ipe sa susunod na pagdalaw ko kina Bong at Jinggoy at doon ko na lang siya uusisain tungkol sa kanyang naramdaman nang malaman niya ang good news.

Heart ayaw nang patulan ang isyu ng Balesin

Agree ako sa desisyon ni Heart Evangelista na huwag nang patulan o magsalita tungkol sa Balesin wedding controversy.

Tama ang dialogue ni Heart na “I will choose my battles” dahil wala naman siyang kinalaman kung may kasalan sa Balesin na na-bump off.

Enough na ang official statement na inilabas ng Balesin Resort owner na si Roberto Ongpin para maabswelto sina Heart at Senator Chiz Escudero sa mga maling paratang laban sa kanila.

Kung may tao na dapat na mag-explain, ang may-ari ng Balesin at hindi sina Heart at Papa Chiz. Para sa akin, sarado na ang isyu dahil nagpaliwanag na nga si Ongpin.

vuukle comment

ANNE CURTIS

BALESIN

BALESIN RESORT

BONG REVILLA

CHIZ ESCUDERO

CRISTINE

IPE

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with