^

PSN Showbiz

Cristine tinalbugan na ni Anne sa paseksihan; Paolo mag-aaral muna, hindi kinayang ibalita ang sarili

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: As of presstime, inaayos ng production staff ng My Destiny na makabalik agad si Sid Lucero sa bansa mula sa taping niya sa Singapore.

Tinapos daw muna nila na ang mga eksena roon ni Sid at pina-rebook ang ticket nito pabalik para makasama siya sa  gathering ngayong araw na gaganapin sa La Salle Greenhills, at tinawag nilang Celebration of Life para sa namayapang ama ni Sid na si Mark Gil.

PAK: Mukhang pinanindigan na talaga ni Cristine Reyes na huli na raw ‘yung Trophy Wife na pagpapa-sexy niya.

Sa The Gifted na kung saan muling nagsama sila ni Anne Curtis, behaved ang mga eksena niya na ibang-iba sa mga ginawa ni Anne.

Si Anne ang nagpa-sexy nang todo na bumagay naman sa role na ginagampanan niya.

Lalo na sa ending ng pelikula na itinodo na ni Anne ang pagpapa-sexy at pakikipaglampungan kay Sam Milby.

Ngayong araw na magbubukas sa mga sinehan ang The Gifted.

BOOM: Marami ang nagtataka na hindi na napapanood sa Aksyon TV news si Paolo Bediones kaya pinagdududahan na itong tinanggal sa naturang network.

Nilinaw ng kampo ng kontrobersyal na news anchor na nandiyan pa rin ang suporta ng Kapatid network sa kanya.           

Pinili ni Paolo na huwag na munang mag-news dahil siya mismo ay news na rin.

Mas gusto niya muna mag-unload ng trabaho sa TV, pero nandiyan pa rin ang dalawa niyang news and public affairs program na Demolition at Rescue 5.

May tinatapos pa si Paolo na kurso sa Disaster Management na magagamit niya sa kanyang public service program.

Patuloy ang pasasalamat ni Paolo sa mga sumusuporta sa kanya at hindi siya iniwan sa iskandalong pinagdaanan niya.

Nandiyan pa rin ang pakikipaglaban niya para sa mga taong nabiktima ng extortion na sangkot sa sex video scandal.

vuukle comment

ANNE CURTIS

CELEBRATION OF LIFE

CRISTINE REYES

DISASTER MANAGEMENT

LA SALLE GREENHILLS

MARK GIL

MY DESTINY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with